read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Alimango Ito talaga ang bida noong araw ng Pasko. Sobrang sarap niya ang tataba Kasi nila kahit simpleng luto lang walang kaeffort effort sa pagluluto basta nalang pinakuluan hehe. Ang plano talagang luto diyan ay lagyan ng sprite yun gawing sabaw niya pero walang mautusang bumili ng oras na yan dahil malakas ang ulan at gabi na. Hindi kasi hinanda ang sangkap na gagamitin sa pagluluto nung magluto na saka pa lang naalala may kulang pala hehe. Pero masarap parin kahit nilaga mo lang :D Ang lalaki at tataba nila, apat lang yan pero halos umabot sa anim na kilo lahat. Kaya medyo mahal ang pagkabili din pero sulit naman. Presyong kaibigan na nga daw yun dahil kapitbahay lang namin nagbenta galing fish pond may alaga siyang mga alimango. First time naming magkakapatid nakakain ng ganito kalaking alimango. Kahit hanapbuhay namin noon pangunguha ng alimango salitan kaming magkakapatid isama ni papa sa dagat para manghuli ng alimango. Pero hindi kami nakakain ng ganito kalaki :) Sayang kasi ang kita kapag kinain namin malaki ang kikitain kapag nabenta kaya hanggang alimasag lang kami na maliliit halos araw-araw yun ulam namin dahil araw-araw maraming huli na alimasag binibenta namin tapos magtira ng pang ulam. Nakakaumay rin kapag araw-araw mong ulam :D Pero ngayon nakakamiss na bihira ka nalang makakain hehe. #AlimangoAngBida #Christmas2021 #owncontent @ruby0622

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.