read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

With Nanay (Lola) Nakarating kami dito sa kapatid ko ng maayos at ligtas. Umalis kami kanina sa bahay ng ala una galing Cavite papunta dito sa Antipolo nakarating kami ng mahigit ala singko ng hapon. Mabuti nalang din at hindi nagsuka mga bata sa haba ng byahe namin. Pagkadating namin dito sa bahay ng kapatid ko nagkagulo na kaagad magpinsan ang ingay na ng bahay haha ganyan sila kapag magkakasama hindi pa kumpleto ang magpipinsan ang ingay na :D marami pa silang pinsan sa province namin sa Surigao :) Bagong ligo na sila kaya picture muna with Nanay (mader ko) :) Hindi pwedeng hindi maligo nagcommute lang kami papunta dito. Bukas maaga na nman ang byahe papunta sa bahay ng tita namin sa Bulacan ilang taon din silang hindi nagkita ni mama. Tiyak masusurpresa si tita hindi niya alam na kasama namin si Mama pagpunta bukas :) Thank you Lord, sa paggabay at pag-iingat. Blessed night noisemates. #ArrivedSafely #SelfieWithGrandma #owncontent @ruby0622

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.