read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Estatwa ng Buwaya Pagpasok pa lang sa entrance ng resort ito agad ang makikita malaking estatwa ng buwaya. Gusto ko sana kuhaan sila ng litrato pagpasok pa lang ng resort pero excited na masyado mga kiddos magswimming kaya sabi ko pag uwi nalang namin. Nung malapit na ang uwian biglang lumakas ang ulan pero kahit malakas ang ulan mas lalong nag enjoy mga kiddos sa paliligo. Mabuti nalang may parang bahay sa gitna ng pool at doon lang ako nagtatago dahil nilalamig na ako. Pero ang mga bata ang saya pa nilang naghahabulan hindi man lang nilalamig :) Hanggang alas singko ng hapon ang uwian ng mga naliligo sa araw at night swimming naman papasukin ng 6pm mabuti nalang talaga nung malapit na ang oras ng uwian tumigil na ang ulan. Kung hindi basa kami dahil wala Kaming dalang payong. Kaya nahirapan na tuloy umakyat mga bata sa malaking estatwa ng buwaya dahil madulas na ito. Hindi na tuloy sila makaupo kasi basa na, dapat talaga pagpasok pa lang nakuhaan ko na sila ng litrato. Pero maganda parin naman may remembrance sila na nakapasok na dito takot pa mga yan baka daw malaglag sila kaya bumaba agad :)

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.