read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Tatlong buwan na rin ang nakalipas nung humapugit si odette sa probinsya namin sa Surigao. Natapat talaga na nagbakasyon kami sa probinsya sa oras na iyon, pinalipas lang ng dalawang araw pagdating namin saka dumating ang bagyo. Ang daming nawalan ng bahay, naluging hanap-buhay at nakakalungkot may mga buhay na nawala. Makikita yung palayan namin parang ilog na dahil tabi rin ng ilog bahay namin kaya mabilis rin bumaha. Mabuti nalang hindi pa kami nakatanim ng palay nung dumating ang bagyo kapag nagkataon masasayang lang dahil maaanod lang sa baha. Once a year lang kami makapagtanim ng palay dahil umaasa lang kami sa ulan walang irrigation. Kaya tuwing Disyembre lang kami makapagtanim dahil tag ulan ang buwan na iyon. Kapag walang ulan nagrerenta kaming water pump para magpatubig sa palayan, sa ilog kukuha Kaya magastos kapag hindi umulan. Maalala ko pa ang puno ng papaya na yan nanghingi ako sa mama ko Kasi ihalo ko sa tinolang native na manok. Masarap kasi kapag papaya ilagay lalo na bagong pitas. Hindi niya talaga ako pinayagan na kumuha dahil pahinugin daw niya sa huli hindi rin napakinabangan ang papaya dahil nasira lang ng bagyo namatay ang puno nakakapanghinayang ang daming bunga. Halos lahat rin ng puno na nasa paligid ng bahay natumba. Thank you Lord hindi sa bahay namin natumba sa kabilang side lang at hindi rin pumasok sa loob ng bahay namin ang baha. Mahigit isang linggo na rin bumalik na ang kuryente sa probinsya namin sabi ng kapatid ko doon ilang buwan din nagtiis ng walang kuryente. Mahigit isang buwan na bakasyon namin sa probinsya na walang kuryente din pahinga sa gadgets :D #ThreeMonthsAgo #BagyongOdette #SurigaoProvince #owncontent @ruby0622

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.