Isang mapagpalang Lunes sa ating lahat. Makulimkim ang panahon ngayon hindi nagpakita si haring araw. Habang ang mga ate ay may online class itong pamangkin ko naman iba naman ang ginagawa. Ang hilig niyang magkalat tapos mamaya ang mga ate na papaligpitin kaya naiinis mga ate niya haha. Pagkagising pa lang ng pamangkin ko kinuha agad ang cellphone ko hindi ko pinapagamit dahil ang aga pa cellphone kaagad at saka gagamitin ng ate niya sa online class. May mga tablet ang mga ate binigay ng tita para magamit sa online class nila pero hindi gumagana ang Google meet maarte so Amazon :) Ang hihilig na talaga sa cellphone mga bata ngayon mag iiyak pa kapag hindi mo binigay. Ang liliit pa nila pero ang galing na sa online games. Pinapagamit ko kasi minsan ang cellphone ko sa pamangkin ko ngayon napansin ko nagcrack na naman yung tampered glass niya. Kakapalit ko lang nito ng tampered glass dahil nung nagbakasyon kaming probinsya nakaraang December nasira din kakapacharge dahil nawalan ng kuryente dulot ni bagyong odette. Papalitan ko naman ko na naman 'to ang mahal pa naman. Maaga natapos si bunso sa online class madalas yung ate niya nauuna kaya ngayon nagsasagot na siya ng activities today. Daily routine na tuwing weekdays pagkatapos online class activities naman sasagutan para hindi matambakan. #OnlineClass #owncontent @ruby0622
3 comments
naku sis sinabi mopa mga anak ko ang daming alam din sa gadgets 37 years old palang alam na mag yourube
Ang tatalino Ng mga bata ngayon pagdating sa gadgets talo pa tayo haha
tama sis kaya kailangan nang gabay nang magulang kasi yong pamangkin ko din natutu nang di maganda sa tiktok