Lambingan ng Magpinsan ^_^ Pagkagising ng pamangkin ko bumangon agad kahit tulog pa mama niya tapos naglalambing sa panganay ko. Ang ganda lang nila pagmasdan malambing din kasi ang panganay ko hindi kagaya sa bunso ko hindi siya malambing sa pinsan niya, sa mama lang daw :D Ang hilig talaga nitong pamangkin ko magdede ng hinlalaki niya tapos nakataas pa kaunti ang damit parang naiinitan ang tiyan niya palagi kapag nakahiga ganyan siya. Tapos nakade-kwatro pa yung paa, inaantok pa siya niyan pero kapag nakita niyang gising na mga ate gigising na din siya. Hindi siya kagaya sa pamangkin ko nasa Surigao pagkagising nagwawala kaagad kapag hindi makita mama niya magkasing edad din sila nun tatlong taon. Si bunso sa likod nila nagmuni-muni pa kagigising lang ayaw na ayaw inaasar kapag bagong gising. Totoo yata yun sabi nila biruin na ang lasing huwag lang ang bagong gising ganyan kasi si bunso may sumpong kapag kagigising lang hahaha. Mamimiss ko ang pamangkin na'to uuwi na silang Mindoro. Mamiss ko ang kakulitan at magkamalambing niya :)
4 comments
Naku sis ganyan din po pamankin ko thumbsucking po anu, sakin din po ganyan yung babae at lalaki kopapo
Kaya nga sis kanya-kanya talaga trip ng mga bata. Yung panganay ko ang hilig sa panyo kapag natutulog tapos si bunso unan naman.
Yung mga anak ko namn po ehh teddy bear po, Yung jsa namn khit mainit ehh nagkukumot pa din po
cute nman nia. nag tathumb sucking pa sia heheh