read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Pizza Nagutom mga estudyante ko sa activities nila kaya ayan meryenda muna. Nagpabili sa daddy nila ng pizza sabi ko bread nalang gusto daw nila pizza matagal na daw silang hindi nakakain nito. Kaya bili agad ang daddy palibhasa gusto rin niya sabi ko tinapay nalang sana tipid-tipid muna katwiran naman hindi naman araw-araw kaya pagbigyan na mga bata. Magandang tumambay dito sa labas ng bahay mahangin kasi ngayon kaya hindi masyadong mainit kahit maaraw ang panahon. Dito na kami kumain mapresko ng hangin. Para din makapagpahinga ang electric fan. Nasabik talaga kumain ang dalawang anak ko lalo na ang ate tig-isang slice lang nakain namin ng daddy nila. Pinaubaya nalang namin sa kanila naghintay nalang may matira pero wala hahaha. Kulang na talaga isang box sa amin :) Nakaapat na slice ang panganay ko matakaw kasi talaga siya sa pizza at si bunso dalawang slice lang busog na daw siya. Pagkatapos ipanalangin nag-uunahan sa pagkuha hindi halatang gutom sila :)

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.