read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Ang busy sa araw na'to daming tinatapos na activities ng mga kiddos. Tumawag Kasi kapatid ko nasa Antipolo at tinatanong Kung kailan Kami punta doon hindi ko pa Kasi nasabi na bukas ng maaga kami pupunta. Sabi niya ngayon nalang daw kami hapon pupunta doon dahil bukas ng maaga puntahan namin yung tita namin sa Bulacan para mabisita ilang taon na din hindi nagkita. Maging busy na daw kasi siya next week magprocess ng papers niya pabalik sa ibang bansa. Kailangan kasi bago siya umuwing probinsya (Surigao city) natapos na niya kailangan tapusin. Nandun kasi talaga sila nakatira lumuwas lang dito hipag at mga pamangkin ko kasama mama ko nung dumating ang bunsong kapatid ko. Sobrang sabik at namiss ng mga pamangkin ko papa nila more than 2 years hindi sila nagkita :) May bahay isa kong kapatid sa antipolo walang nakatira kaya doon sila ngayon nagstay. Nagmamadali tuloy akong mag impake ng damit namin ng mga anak ko mamayang gabi pa kasi sana ako mag impake ng gamit dahil bukas pa naman talaga plano namin aalis. Sana lng hindi trapik Friday pa naman ngayon at maluwag na kaya daming tao na niyan. Magcommute lang kami sana lang hindi magsuka dalawang anak ko hina pa naman sa byahe mabilis mahilo kaya may plastic laging dala sa bag ko nakalagay para hindi makalimutan. Excited na ang mga kiddos nandun kasi mga pinsan nila sa antipolo kaya pinapatapos ko mga activities kasi pagdating doon malibang na'to sila kalalaro sa mga pinsan nila. #TravellingToAntipolo #owncontent @ruby0622

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.