read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Spaghetti for Snacks Ang ganda ng panahon kahit maaraw mahangin naman kaya hindi mainit. Nakapagmeryenda naba lahat, kami ito kumakain pa lang. Nagluto akong spaghetti meryenda namin ngayon. May natira kasi nung Pasko mga sangkap pangspaghetti kaya naisipan kong lutuin. Bumili nalang ng giniling pangsahog meron na rin naman hotdog kaya hindi na bumili. May tinapay na rin kaya solve na ang meryenda tubig lang partner hindi rin naman sila sanay sa softdrinks yung daddy lang nila hehe kaya busog lusog na mga kids. Ang panganay ko mahilig talaga sa spaghetti nakakarami siya kapag ganito ang meryenda, yung bunso ko naman hindi masyado mas gusto pa niya pansit :) Ang sarap magtambay dito sa labas ng bahay ang presko ng hangin kaya latag namin ang mesa at dito kami kumain sa labas. Tinatamad gumawa mga kids sa mga activities nila kaya pinagpahinga ko na muna tapusin nalang bukas. Masarap daw dito sa labas ng bahay kasi mahangin naglalaro ang mag-Ate hinayaan ko nalang magpahinga ang utak nila hehe. Maganda rin panoorin silang naglalaro kaysa puro gadgets hinahawakan o kaharap nila. Mga bata kasi ngayon halos games na alam laruin, yung pamangkin ko 2years old pa lang mahigit ang dami ng alam na online games ibang iba na talaga sa henerasyon ngayon :) kaya itong dalawa ko hindi ko hinahayaan na magbabad sa gadget at minomonitor ko rin pinapanood nila. Ang usapan namin kapag may pasok dapat learning lesson pinapanood, sa weekend na yung kalokohan hehe. Mapagpalang araw Noisefam. Mag iingat tayong lahat. God Bless us all! #SpaghettiForMeryenda #owncontent @ruby0622

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.