Simple Art :) Katatapos lang nila mag online class, sabi ko gawin na kaagad ang mga activities nila today para matapos na this morning lang. Para mamayang hapon makatulog sila madalas kasi hindi natutulog ng hapon dahil gumagawa ng mga activities. Kaya maaga ko nalang pinapatulog kapag gabi. Nanghihingi ng five minutes break bago daw gawin mga activities nila pero alam ko na yang 5 minutes na yan abutan na naman ng 30 minutes :) Pero okay lang kapag ganyan ang ginagawa, mag improve yung art skills nila kaysa puro gadget ang hinahawakan o maglalaro lang online games. Ang gagaling kasi nila pagdating sa online games halos lahat naman ng mga bata ngayon, itong dalawa ko kapag nakita Kong naglalaro lang ng naglalaro sa cellphone ang ingay ko na niyan nagbubunganga na hahaha. Kapag weekdays dapat learning lessons pinapanood yan usapan namin. Mabuti nalang din isang salita ko lang nakikinig na agad sila alam kasi nila ayaw ko ng paulit ulit. Kaya para hindi ako nagagalit sunod na kaagad mga yan. Mahilig rin naman talaga silang magpaint o magdrawing lalo na bunso ko. Noong apat na taon pa lang si bunso maalala ko napagalitan ko siya. Ang ginawa niya nagdrawing niya ang kanyang sarili na umiiyak maraming luha pumapatak ang lalaki pa hahaha tapos yung sarili ko naman na galit natatawa nalang talaga ako :D Ini-express niya ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagguhit :) Blessed day noisemates! #ArtDay #HappyKids #owncontent @ruby0622
No comments yet