Antipolo to Bulacan Ang usapan maaga kaming aalis puntang Bulacan pero nakaalis mag-alas otso na :) Sana lang hindi trapik weekend pa naman ngayon. Kinakabahan pa ako dito sa dalawang anak ko mahihiluhin kasi sa byahe. Lalo na kapag aircon ang sasakyan pero nakaready naman lagi ang mga plastic haha. Nakakaawa lang kasi kapag nagsusuka nanghihina sila. Nagrenta ng van kapatid ko, may mga bata kasi ang hassle kapag nagcommute lang kami tapos hindi pa namin alam ang bahay ng tita namin na pupuntahan dahil lumipat na sila ng bahay. Maghahanap pa kami nito :) Hoping makarating kami ng maayos at ligtas, hindi sana matrapik para mabilis makarating. Happy and Blessed weekend noisemates. God Bless us all! #TravellingToBulacan #TravellingWithMyFamily #owncontent @ruby0622
7 comments
Naku sis parang ako lang po pala yung mga kasama mo po ehh uminom na ng bonamine kailangan my plastic pa din dala. Keep safe at enjoy po
Kaya nga sis noon din napainom ko sila ng bonamine sumuka parin kaya kahit nakainom na sila may plastic parin akong dala.
Naku ako sis hndi ko na pinapakain pero Maganda po sa gabi bago sila matulog painumin mo napo tas umaga inum ult sila
Enjoy your vacation friend...parang ako, hangga ngayon may times nahihilo paren pero wala ng suka...ginagawa ko, lagi ako nagpapahid ng Vicks sa ilong ko
Minsan nga friend nahihilo Rin ako sa byahe Yung panganay ko ang sumuka kanina sa byahe mabuti si bunso hindi.
Have a safe travel sissy. Mabuti at nag rent nalang Kayo mahirap kapag commute si covid naandyan Lang eh kasama pa nman mga Bata. Ingat ingat po
Kaya nga sis... mahirap magcommute maraming bata. Nakarating din kami ng safe thanks you Lord.