Boso-boso Highland Resort Ang saya lang talaga nila basta swimming ang pupuntahan :) Ang ganda rin dito tuwang-tuwa sila huling swimming namin nung bakasyon pa sa probinsya dalawang buwan na din nakalipas. Kahit malamig ang tubig hindi talaga yan sila nakakaramdam ng lamig ayaw pang umahon baka mamaya nito pahirapan na naman pauwiin may mag-iiyak na naman dahil ayaw pang umuwi hehe. Biglaan ang pagpunta namin ngayon wala sa plano na magswimming pero mas maganda rin ang biglaan kasi natutuloy kaysa nakaplano minsan hindi natutuloy :) Ang lamig na lalo ngayon dahil umulan pero mga bata walang lamig-lamig basta lang makapagswimming, Kami ang nilalamig sa kanila. Lumakas pa ang ulan tapos mahangin-hangin pero ayaw pang umuwi ng mga bata sarap nalang matulog ngayon kaya gusto ko na din umuwi pero sayang naman ang bayad mahal ng entrance fee kahit pamangkin ko na tatlong taon mahigit may bayad na. Hanggang alas singko ang uwian Kaya isang oras nalang magsisiuwi naman na hintayin nalang ang oras. Sana tumigil na ang ulan mababasa kami nito pag uwi medyo malayo pa ang bahay mula dito dalawang sakay pa wala rin kaming payong dala dahil maaraw naman pag alis namin kanina. #Swimming #FamilyOuting #owncontent @ruby0622
1 comment
wow. buti pa cla nakapag swimming swimming na