Robinson Antipolo ^_^ Dahil ilang araw lang bakasyon sa kapatid ko sa Antipolo pinasyal mga bata sa Robinson. Alam na kapag nasa mall ang mga kiddos tumatambay sa arcade kaya dapat handa talaga ang bulsa kapag kasama sila. Hindi magpapaawat sa paglaro ang laki rin ng nagastos sa tokens nila mabuti nalang nandun kapatid kong lalaki siya financer sa lakad namin hehe. Nung nasa department store naman kami, mga kiddos diretso agad sa tindahan ng toys ang mamahal pa naman ng mga toys :) Kaya binibola nalang sila para hindi yung mamahalin na toys ang ipapabili mabuti nalang pumayag basta may bitbit lang sila na laruan. Magpapabili ng mahal na laruan tapos isang araw lang o kaya hindi abutan ng isang araw nasira na kaagad o kaya makikita mo nalang kung saan-saan dahil nagsawa na mga bata nga naman talaga :) Dito na rin kami nagdinner minsan lang naman makakain sa labas. Pagkatapos namin kumain take a picture daw muna kaming magkapatid kasama ang mama namin. Minsan lang kami magkakasama. Matagal pa ang tambay ni mama sa Antipolo kasama kapatid kong lalaki yung asawa niya at dalawang pamangkin ko naiinip na siya hindi sanay sa buhay syudad namimiss na niya ang probinsya namin sa Surigao. Mabuti nalang may tita kami doon na kapitbahay lang din kaya doon madalas si mama tumatambay kapag naiinip siya. May importanteng appointment kasi yung kapatid ko sa April 4 kaya hintayin nalang nila yun ayaw naman kasi magpaiwan ang kapatid ko. Gusto niya sabay-sabay na silang lahat uuwing probinsya. Tapusin daw muna niya mga kailangan gawin sa pagbalik niya sa work as ofw para hindi na luluwas ng manila tuloy-tuloy ang bonding with family sa probinsya. #FamilyBonding #owncontent @ruby0622
4 comments
Wow back to normal na talaga sis. Nakalabas na Ang mga bata . Sure butas ang mga bulsa nyo nyan. Haha.
Kaya nga sis kapag mga bata kasama mo sa mall mapapagastos ka talaga sa paglalaro pa lang nila ang gastos na :D
Tama ka dyan sis, ,per hour pa naman yung bayad sa paglalaro haha.. Samahan mupa ng pagkain nila sa Jollibee o kaya macdo 😁
nice. kakamiss mag window shoppping ahhaha