First time bumisita ng mga anak ko sa puntod ng papa ko hindi na kasi nila naalala yung huling dalaw namin dito maliliit pa kasi sila noon. Nawala ang papa ko mahigit isang dekada na rin nakalipas ng iwan niya kami. Nasa malayong lugar pa ako noon nagtatrabaho ng siya ay pumanaw dulot ng sakit na colon cancer. Napakasakit nung time na nawala siya hindi ko man lang siya nakausap ng personal. Hindi ko na tinapos ang kontrata sa work nag early vacation ako at pinayagan din ng company dahil may valid reason naman. Isorpresa ko sana siya sa pag uwi kaya hindi ko sinabi sa kanila na uuwi ako pero ako pala ang nasurpresa dahil along the way ng byahe nakatanggap ako ng balita mula kay mama na wala na sis papa, iniwan na kami. Akala ko masorpresa ko siya, yun pala ako ang nasorpresa. Ang sakit lang kasi hindi ko man lang siya nakausap. Pero naisip ko nalang ayaw niya siguro makita kong nahirapan siya. Masakit lang talaga kahit lagi kaming nagkakausap sa cellphone maganda parin yung makita at makausap ng harapan at mayayakap mo siya. Pero ganun talaga hindi natin hawak ang buhay natin kaya kahit masakit tanggapin nalang at isipin na masaya na siya sa kanyang pupuntahan. Magdadalawang taon din papa ko nagsuffer sa sakit niya hindi ko man masaksihan dahil nagtatrabaho na ako sa malayong lugar ng time na yun, pag alis ko maayos pa siya walang sakit. Gusto pa sana namin paoperahan uli si papa pero hindi na siya pumayag kasi gastos lang daw at doon rin daw kahihinatnan. Masakit marinig kasi gusto pa namin siyang makasama pero tinapat na rin kasi sila mama ng doctor na mas lalo lang daw mahirapan si papa kaya tanggapin nalang daw namin. Kung kailan nakaluwag luwag na kami, nabibili na yung gustong kainin ni Papa daming bawal naman na hindi pwede kainin. Masakit alalahanin ang araw na yun pagdating ko sa bahay nakaburol na siya. Kaya si bunso kong palatanong curious sa lahat ng bagay, tinatanong kung bakit nayayay si tatay niya, ayaw niya sabihin ang word na patay bad word daw kasi kaya yayay lang :) Kaya sinabihan ko may mayskit si tatay at old na siya kaya nayayay. Ang sabi naman ni bunso bakit daw si tito ko(kapatid ni papa) old na siya pero healthy parin at hindi nayayay. Pasaway talaga ang bunso ko magtanong mapapailing ka nalang talaga haha. Kuha ito nakaraang December bakasyon sa probinsya namin. #VisitingMyFatherInHeaven #owncontent @ruby0622
3 comments
Masakit tanggapin pagkawala ng tatay natin pero kailangan tanggapin parin.
Totoo sis hindi madali pero kailangan tanggapin hindi natin hawak ang buhay natin.
Ingats kayo sis dian. God bless. Mgandang hapon