read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Inihaw na Hito Nung pumunta kaming Bulacan nakaraang araw nadaanan namin nagtitinda ng hito ang lalaki nila. Ang dami palang fish pond doon ng hito kaya medyo mura lang nasa isang daan ang kilo. Mahigit alas dose ng tanghali kami nakarating ng Bulacan at ito ang ulam sana pero dahil gutom na dumating kami at matagalan pa kung iihawin. Bumili nalang din kami ng ulam kasi gutom na mga bata sa byahe. Kumain nalang kami uli nung naluto na ang inihaw na hito ang sarap niya nagmamantika dahil sa taba ng isda. Mas masarap kainin kapag mainit pa siya. Bumili ang kapatid ko ng limang kilo ng hito ginataan naman yung iba pero walang luyang dilaw mas masarap kasi kung meron mas mabango rin siya at mas masarap. Matagal na rin huli kong kain nito at hindi rin ganito kalaki :) Ang sarap ng sawsawan may kamatis at sibuyas tapos may sili lalong sumarap ang inihaw. Hanggang gabi namin ulam ang inihaw at ginataang hito hindi ko lang nakuhaan ng litrato ang ginataan :) Happy and Blessed Monday noisemates. #GrilledCatfish #owncontent @ruby0622

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.