Lunch Kumusta kayong lahat noisefam, nakakain na po ba?Ang ganda ng panahon ngayon hindi masyadong maaraw at mahangin pa kaya hindi mainit ang panahon. Ito po ang simpleng lunch namin kanina sayote na may giniling at tuyo. Simple lang pero masarap gusto rin ng mga anak ko at asawa. Medyo mura kasi ang sayote tapos bumili lang ako ng giniling halagang singkwenta at sayote trenta pesos may masarap na kaming ulam sa tanghalian. May binili rin akong tuyo sa friend ko na nagtitinda, siya rin yung nagbigay ng ginamos sa akin. Ito yung tuyo na gusto ko walang kaliskis o kaya yung galunggong na tuyo. Masarap talagang partner ng gulay ang tuyo o kaya pritong isda. Mapagpalang araw sa ating lahat at mag-iingat tayo palagi. #SayoteAtTuyo #owncontent @ruby0622
4 comments
Masarap yan sis sayote with hiniling. Pwedi din papaya with sayote. Hehe. Goodevening
Masarap naman sis gusto Ng mga kids hehe
masarap yan sis fav. yan ng mga bata ee tsaka perfect sa tuyo . dito din ganda ng sikat ng araw perfect para sa mga naglalaba today.
Totoo sis perfect sa tuyo talaga ang gulay. Ang ganda nga panahon tuyo mga nilabhan sa naglalaba, Saturday pa oras ng labada ko :)