Happy Meryenda Ang ganda ng panahon ngayon nakiayon sa aking paglalaba madalas kasi makulimlim o minsan umuulan kapag naglalaba ako pero ngayon talagang tirik ang araw mabuti nalang medyo mahangin Kaya masyadong mainit. Feel na feel mo na ang summer maaraw na palagi. Katatapos ko lang maglaba dami hehe isang linggong labahan ba naman Kaya tiyak tambak :) tuwing sabado lang talaga mkapaglaba dahil online class dalawang anak ko walang mag assist at pagkatapos online class maraming activities naman sasagutan. Ito ang meryenda namin ngayong hapon pizza, nachos at quesadilla chicken nagpadeliver sa food panda ang asawa ko minsan lang din naman ganito kapag payday lang madalas hehe. At dahil paborito ko ang quesa inangkin ko na lahat hehe alam ni hubby na paborito ko yun kaya binili niya para sa akin at kanila ang nachos at pizza syempre tumikim din ako :) Nakakagutom ang pagod kaya pagpasensyahan na :D Tuwang-tuwa mga kids kapag pizza ang snack paborito kasi nila lalo na panganay ko tapos may pa-milk tea pa. Thank you Lord sa blessings busog lusog baka hindi na ako kakain ng hapunan nito hehe. #DeliciousSnack #ThankYouLord #owncontent @ruby0622
4 comments
naku dito sis napaka makulimlim sumabay sa nararamdaman ko hehe maglalaba sana kaso makulimlim pala sayang nga kasi face to face na sa monday magiging busy na ako..Anyway mukhang nag enjoy din ang mga bata mo sis sa pa treat ni hubby mo ganyan si hubby pag payday kung ano ano pagkain binibili.
wow sarap nman wiht milk tea pa hehehe
Kasarap ng meryenda. Mainit na nag at summer, masarap maglaba ngayon.
enjoy eating pizza sis