Namiss ko ang probinsya namin lalo na sa lugar na'to. Ang sarap lang pumunta sa lugar na ganito lalo na ngayong summer na ang panahon. Dito walang entrance kapag magswimming ka at dami pang adventure na magagawa mamingwit o manguha ng shells, pagka-uwi ng bahay may ulam ng dala. Ang saya ng oras na'to daming hindi malilimutan na karanasan lalo na si bunso na nasugat pa sa talaba. Nakikita niya ang alaala ng swimming namin dito sa peklat niya. Unang karanasan nilang sumakay ng bangka at sobrang enjoy na enjoy sila sa pangunguha ng shells at naghahabulan sa lawak ng pagtatakbuhan nila. Kapag low tide kasi ganyan makikita ang gandang maghabulan talaga dahil sa lawak, kapag nag umpisa ng lumaki ang dagat palantadaan na oras na ng uwian wala kanang makikita na buhangin. Walang cottage sa lugar na'to kaya dito na kami kumain sa gitna buhanginan :) Kaya mahirap din kapag may batang maliit na kasama walang matulugan, umulan pa ng oras na yan mabuti nalang may payong na dala nakakatulong hindi mabasa at lamigin mga bata. Nung mga bata pa kaming magkakapatid dito kami madalas kapag walang ginagawa sa bahay para manguha ng shells o kaya manglambat o mamingwit kami para may pang-ulam. At pagkatapos ay maliligo na kami. Simple lang ang buhay pero masaya :) #ProvinceLife #owncontent @ruby0622
5 comments
Ay tunay yan sis ganyan din kami dito yun nga lang diko pa naranasan na mamingwit enjoy siguro yun medjo distansiya kasi kami sa dagat kapag gusto namin maligo saka lang namin masilayan si dagat teka sis saang province ba kayo
Ang bahay namin sa probinsya sis malapit sa ilog kaya hanapbuhay din namin pangingisda. Lumaki sa dagat din kabuhayan at kaunting palayan Kami. Sa Surigao province namin sis.
ay sarap din mamuhay sa probinsiya sis noh kasi sariwa yong mga nakakain mo tska peaceful din..ahh surigaw ka pala sis yong salita niyo ba tagalog din?
Wow, jaka njoy jan sis tapos laro ng putikan
Sobrang enjoy talaga sis kanya kanya silang gawa Ng castle gawa Ng buhangin :)