Sunday swimming! Thank you Lord, sa guidance and protection nakarating kami kanina dito sa Antipolo ng ligtas at hindi nagsuka mga kiddos mabilis lang ang byahe. Kaya maganda talaga na madaling araw magbyahe walang trapik. Pagdating namin kanina nag almusal pagkatapos naglaba dahil daming labahan na agad kaunti lang dala naming damit papunta dito kaya kailangan maglaba. Kaninang umaga nagyaya mga kiddos na magswimming kaya pinapamadali na nila paglalaba namin para nakapagswimming na sila. Kahit hindi pa nabanlawan sinampay na ng pamangkin ko atat na talagang magtampisaw hahaha. Nung silay naliligo na panay away naman bida sa kapasaway ang pamangkin ko na lalaki pinagsusuntok na yung bunso ko dahil aksidente siyang nasipa ni bunso. Nakita lang ng kapatid kong babae pinagsusuntok yung bunso ko habang nakatingin ang papa (kapatid namin). Kaya nasabihan siya ng kapatid kong babae na sawayin naman anak niya dahil nasasaktan na bunso ko :( Naaawa nalang ako sa bunso ko kasarap talaga paluin ng pamangkin ko na'to. Ayaw ko lang ng gulo dahil nandyan naman ang kapatid ko at mama ng bata dapat sila magdisiplina sa anak nila apat na taon pa lang pero hindi n nila makontrol ang ugali ng bata. Paano nalang kaya talaga paglaki nito sana disiplinahin na nila habang bata pa. Pumasyal nga kami dito sa Antipolo galing pang cavite para magkabonding silang magpipinsan at kaming magkakapatid na rin kasi nandito rin si mama. Kaya lang baka mag cause pa ng away kapag pinatulan ko ang bata nakakagigil lang kasi talaga malaman na hinahayaan lang ng kapatid ko ang anak niya na saktan ang bunso ko. Ang saya nung sila lang magpipinsan na girls nagsiswimming nagkagulo lang nung sumali na pinsan nilang lalaki. Kaya hindi nalang nila pinapansin kasi lalong nagpapasaway. Minsan talaga nagkakagulo o nagkakaaway mga magulang, kapatid o kamag-anak ng dahil lang sa ginawa ng anak. Habaan nalang ang pasensya para walang gulo. Blessed Sunday noisemates. God Bless us all. #owncontent @ruby0622
7 comments
Muka po masayang masaya po sis sulit po ang byahe Nila chaka maganda po tlagang sa madaling araw mag byahe
Oo nga sis maganda talaga ang madaling araw magbyahe walang trapik.
wow. pang beat the summer heat hehehe
Oo nga sis..sarap magbabad sa tubig sa init Ng panahon.
Thank god ok kqyo nakadating at enjoy na mga bata kahit away bati
Salamat sis. Opo salamat sa Diyos nakarating kami Ng ligtas sa bahay.
Pag kaganyan idistansya mo nalang para iwas away bantayan nalang dapat paghinayaan nilang ganyang yan sila ang magdudusa paglaki nyan.hindi pwede saakin yan maiihi sya sa iyak para magtanda sya