Happy and Blessed Sunday! Gusto ko lang ishare ang aking bunso ang bait nagsuot ng dress :) Papunta kaming church nito kanina bihira lng kasi talaga siya mapapayag na magsuot ng damit. Nakikita pa lng niyang naghahanda ako ng damit na susuotin iiyakan talaga ako kapag dress ang inihanda ko sasabihin niya next time nalang. At siya ang mamimili ng susuotin gusto niya leggings palagi unlike sa ate niya gusto nakadress palagi. Kahit dito lang sa bahay dress gusto ng ate suotin at si bunso short o leggings :) Kaya ang tuwa ko kanina nung binigay ko ang dress hindi siya nagreklamo :) Akala ko mahabang diskusyon na naman para mapapayag magsuot ng dress haha. Pasalubong pa naman ng tito niya ang damit na yan mabuti nalang nagustuhan at sinuot niya kasi wala ng magsusuot dahil maliit sa ate niya. Ito pala simpleng ulam namin for lunch gulay muna para healthy living pero ang daming sahog na karne kapag itong asawa ko nagluto kasi dadamihan ng sahog hindi kasi mahilig sa gulay. Kapag ako nagluto nito hahanapin mo ang sahog haha. Enjoy your weekend Noisefam! #owncontent @ruby0622
10 comments
naku sis itong anak kong babae gusto naka dress lage kahit nasa bahay haha gayahin daw niya si dianna na maganda dahil naka dress hayy naku kung dimo pagbibigyan todo iyak.
Haha baligtad sila nitong bunso mo sis nag iiyak kapag pinilit mo magsuot ng dress kapag ayaw niya wala Ka talagang magagawa :) mga bata ngayon marunong na pumili Ng gusto nila hindi na Tayo makadesisyon sa gusto natin :)
kaya nga natatakot ako sis baka pag laki nila ganun pa din sila hindi magpapigil sa mga gusto hehe peru wag namn sana mangyari at tska bata pa naman marami pang pagbabago..
Kaya nga sis bata pa sila at nasa atin parin ang pagdidisiplina kung talaga hindi maganda ang gusto nila hindi natin totolerate :)
Ang sarap naman ng ulam niyo ka-noise! Iyong veggies, look crunchy and yummy! May dalagita ka na rin, ka-noise!
Masarap kasi kapag half cook lang ang gulay macrunchy siya. Ang bilis nga Ng panahon kanoise malapit na maging dalaga :)
Oo nga. Kaya di mo namamalayan dalaga na at binata na sila.
Bat niya ngayon, nagustuhan cguro color ng dress...parang si baby ko din, pag misan ayaw pinapasuot walang magagawa, siya na masusunod ng damit niya ehehe
Kaya nga sis mabuti nagustuhan niya at walang mahirap hirap sa pagpapasuot Ng dress. Mga bata talaga ngayon sis marunong Ng pumili Yung gusto na nila nasussunod :)
ang galing naman ni baby hindi na umiiyak bagay na bagay sakanya ang dress hehe, ang ulam naman namin kanina sa tanghalian ay adobong atay at balunbalunan ng manok.