read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Dinner Habang naghihintay ng order nanonood muna mga kiddos. Hindi na masyadong mahigpit ngayon pwede na magdine-in mga bata. Hindi naman aircon kinainan namin open area siya pero mas gusto ko yung ganito May bagong bukas na kainan dito sa labas ng gate ng subdivision tinikman namin kung masarap ang dami kasing customer palagi. Nag order lang akong inihaw na pitso ng manok namiss ko ang mang inasal hehe. Masarap ang juicy ng chicken na order ko at unli rice sa bawat order Kaya pala daming customer sulit na rin sa lasa at bulsa. Hindi na nakuhaan ng litrato mga order namin pagkatapos ipagpray kainan na agad mga gutom :D May libre din silang sabaw medyo hindi ko lang type ang kanin sinangag kasi pati refill nila sangag pero nakadalawang cup ng rice din hahaha hindi halatang gutom haha. Pumasyal kasi kapatid ko dito sa bahay, nakita niya yung kainan pagbaba ng jeep dami daw customer kaya gusto niya matry kumain din. Kaya ayun nanglibre sa amin salamat sa sister ko nalibre hapunan namin busog na busog. Thank you Lord, sa blessings mo everyday. #FamilyDinner #ThankYouLordForTheBlessings #owncontent @ruby0622

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.