read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Night Bonding Ito yung ganap kagabi nung dumating sila mama at kapatid kong lalaki kasama ang asawa at dalawang pamangkin ko. Nagproblema pa ako kung paano kami magkakasya matulog dahil sa liit ng bahay tapos maraming gamit kaya wala na talagang space kapag may bisita. Mga alas otso ng gabi sila dumating sabi ko doon nalang siguro matulog sa isa naming kapatid medyo may kalayuan lang din ang bahay dalawang sakay pa pero dahil pagod na sa byahe galing silang Tagaytay namasyal kaya tinamad ng pumunta at dito nalang daw sila sa bahay matulog pagkakasyahin nalang. At hindi ko akalain nagkasya nga kami siguro dahil maliliit lang din kaming tao haha. Pagkatapos namin kumain ng hapunan bumili agad kapatid kong lalaki at asawa niya sa alfamart ng maiinom daw namin at iyan nga nabili nila. Sinama na namin si mama sa pagpainom yung natirang red wine na ininom ko nakaraan ang sa kanya isang baso nalang din natira kaya tama lang talaga sa kanya :) Habang nagmovie night naman magpipinsan niyan kaya yung panganay ko inabala muna para magpakuha kami ng litrato. Ang saya lang kuwentuhan at tawanan kapag magkakasama. Umuwi na din silang Antipolo kaninang hapon ayaw pang sumama yung pamangkin kong babae magpaiwan nalang daw siya mamimiss niya daw ang mga ate at wala na daw siyang kalaro ayaw niyang kalaro kapatid niya makulit daw haha binobola nalang ng papa para sumama :)

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.