read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Ang bilis talaga ng panahon dati ang liliit lang nila :) Nakalkal ko lang yung unang picture ang cute lang nila dito parehas nakajumper. Isang taon lang pagitan nilang tatlo kaya buddies sila hehe nung umuwi kaming probinsya nakaraang Pasko doon na lage nakatambay yung pinsan nila sa bahay ng Nanay (mama ko) kasi nandun ang mga anak ko. Ayaw ng umuwi sa bahay nila same barangay lang din naman nakatira pero medyo malayo din ang bahay ng pinsan nila mula sa bahay namin. Matagal tagal din kasi silang huling nagkita maliliit pa sila noon. Ayaw na nga kaming pabalikin ng pinsan nila dito sa Cavite kinakausap pa ako na doon nalang daw kami titira kasi wala siyang kalaro hehe. Pero minsan na madalas panay away naman sila kapag magkasama mga bata talaga hehe. Gustong-gusto naman ng mga anak ko tumira sa probinsya kasi malapit sa dagat, Kaya sabi nila doon nalang daw kami tumira masaya daw kasi daming adventure hehe. At wala raw covid doon, hindi kasi mahigpit sa probinsya namin hindi kagaya dito sa Manila mahigpit bawal lumabas ng bahay. Kaya mas gusto rin ng girls ko doon sa probinsya nalang kasi walang virus daw haha. Sa sobrang luwag hindi nila naramdaman may virus pa :) Sabi ko nalang hindi pwede, paano ang online class nila walang signal sa bahay, babyahe pa sa malayo para lang magpasignal. Wala pang kuryente dulot ni bagyong Odette hanggang ngayon nga wala parin daw kuryente sa province namin. Nag eenjoy kasi mga anak ko sa probinsya nung bakasyon matagal tagal din nakadalawang buwan mahigit din. Kaya sinusulit nila ang bakasyon sa pagliligo ng dagat :) Yung pangalawang picture pabalik na kami niyan dito sa Cavite kaya naisipan mag outing kasama ang mga kamag-anak, kaya ayan napagkasunduan ligo daw sa hot spring. :) First time namin magswimming sa mainit na pool hehe. #CousinsThenAndNow #SurigaoProvince #owncontent @ruby0622

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.