Swimming sa Batya ^_^ Nakapasyal ang mga pinsan galing Antipolo dumating sila kagabi. Namasyal daw kasi sila sa Tagaytay at dumaan nalang dito sa bahay. Pinasyal nila si mama uuwi na kasi silang province namin sa Surigao kaya para sulit naman ang bakasyon dito sa Manila pinasyal ng kapatid ko si mama nakaraang araw nag Ocean park daw sila first time ng mama namin makapunta doon kaya tuwang-tuwa marami din silang napasyalan. Pagkatapos ng online class ng panganay ko ayan naligo sa labas kasama mga pinsan niya. Maaga kasi ang pasok niya 7am pa start na kaya madalas hindi talaga nakaligo pagpasok ng online class niya ang tagal kasi magising kahit matulog kami ng 8pm lalo na kagabi tagal nilang natulog naghaharutan at movie night silang magpinsan sinulit matagal tagal uli silang magkasama. Si bunso hindi na sumama sa kanila nakaligo na kasi bago pumasok sa online class niya ng 8am. Sobrang saya naman ng magpinsan kahit babad lang sa batya:) Mamaya after lunch uuwi na silang Antipolo matagal tagal uli silang magkikita magpipinsan kasi uwi na silang probinsya. Malaki rin kasi budget kapag magbakasyon kami doon kaya hindi alam kung kailan uli kami makapagbakasyon.
10 comments
naku sis ito yong madalas nilalaro ni bbgirl ko minsan naman hindi ko pinapayagan kasi nagkakalat yong tubig sa sahig ei peru gustong gusto niya pinapa langoy yong plastic doll niya sa tubig tapos kunwarian nagsasalita
Ganyan yata talaga kapag baby girl sis hehe tuwang-tuwa sila sa mga Barbie pinapaliguan :)
Ang saya ng mga kids, ka-noise! Nasanay kasi sila lately sa swimming kaya hinahanap nila. Lalo na mainit ngayon!
Tuwang-tuwa nga kanoise nakapagbonding ulit silang magpipinsan :)
Iyan ang magagandang memories nila paglaki..
Naku sis ganyan din po si bunso ko ehh sa sobrang init po kasi ehh hinahayaan ko sya magbabad sa tubig ako namn minsan my yelo na yung pampaligo ko
Kaya nga sis magastos na talaga ngayon sa tubig dahil mainit ang panahon :)
Yaan Napo natin sis kesa ma heat stroke po tyu Sa init
Ang dami pasyal ni nanay friend...nasulit pa ng mga magpipinsan ang araw..
Yes friend sulit na sulit ang bakasyon ni mader :)