read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Katuwaan lang ^_^ Ang mga ate walang magawa napagtripan nilang gamitin yung pantali ng pinsan nilang makulit hehe. Binilhan kasi ng kapatid ko ang napakahyper ko na pamangkin ng pantali parang aso lang haha nakakapagod naman Kasing habol ng habol sa tuwing namamasyal kaya maganda nakatali sa mama para hindi makawala haha. Napaglaruan ng mga ate ang pantali ng pinsan nila :) Subukan daw nila itali sa sarili nila at mag acting kunwari si Ate daw ang Tita nila at si bunso yung pinsan naman na makulit at napakahyper matatawa ka nalang sa kanila nagtatakbuhan at naghihilahan sa pantali. Sabi pa si bunso "oh, this is what Shiann(cousin) feels " ganun daw pala ang pakiramdam ng tinatalian haha. Hindi naman kasi naranasan nila ang may pantali nung baby pa habang namamasyal dahil behave Lang sila. Ibang-iba sa pinsan nila na daig pa ang lalaki Kung kumilos kaya napilitan talaga kapatid ko bumili ng pantali natatakot rin kasi siya baka mawala sa tuwing mamasyal kung saan-saan nkakarating at nakakapagod maghahabol :D Namimiss din ng mga ate ang stressful nila na pinsan haha si bunso kasi binansagan na stressful dahil naistress siya sa kakulitan pero bumabawi naman dahil napakalambing ng pinsan nila :) Umuwi na kasi sa probinsya ng papa niya nagbakasyon lang dito. #owncontent @ruby0622

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.