Ang Magpipinsan :) Ito yung time na nandun kami sa bahay ng tita ko nakaraang Sabado sa Bulacan. Kahit sa ibang bahay grabe walang makakapigil sa kakulitan nila. Panay parin away itong dalawang magkapatid na pamangkin ko. Grabe din kasi itong pamangkin ko na lalaki sobrang spoiled kahit nanakit na hahayaan lang ng kapatid ko at mama niya kasi ang katwiran bata pa raw at kapag pinapansin o sinasaway lalong nagpapansin. Magbabago rin daw yan kapag malaki na sana lang talaga mabago. Iba-iba talaga tayo pagdating sa pagdidisiplina sa mga anak natin kasi kung ako hindi ko hahayaan na manakit at ngayon pa lang disiplinahin na. Sa apat na taong gulang nakakaintindi na ang ganitong edad sana bilang magulang ipaintindi na sa bata na mali ang kanyang ginagawa para hindi na gagawin uli. Pero hinahayaan lang nila kaya inuulit-ulit ng pamangkin ko manuntok o mangagat kawawa yung ate niya laging nasasaktan ng kapatid niya. Sa akin sana ngayon pa lang disiplinahin na, kasi paano malaman ng bata na mali ang ginagawa niya kung hahayaan lang natin diba? Kapag sinaway ko nga ang pamangkin ko na'to pati ako susuntukin sinasaway naman ng magulang pero hindi lang sila pinapakinggan kaya hinahayaan nalang nila. Nakakalungkot sa edad ng pamangkin ko hindi nila makontrol ang ugali nito. Binigay ko ang tablet sa kanila para matigil ang kaguluhan mabuti nalang tumigil itong mabait ko na pamangkin sa pang-aaway. Siya nalang pinahawak sa tablet para walang gulo kasi yung gusto talaga niya ang masusunod. Ayan parehas pa silang nakade-kwatro ng pinsan niya :) Binigyan ng gadget para matigil ang gulo pero nagkagulo parin dahil hindi magkasundo sa pinapanood nila ganun talaga mga bata. Okay lang naman ang ganun basta wag lang pisikalan na may nasasaktan tapos hinahayaan lang natin. #Cousins #owncontent @ruby0622
5 comments
Mainam nga yang bata pa malaman nya bad yong ganun...
Kaya nga sis..hindi yun hinahayaan lang paano malaman ng bata ang pagkakamali.
happy kiddoes hehehe
Aww, nasanay na yung bata na siya yung boss, sanay ma start na yung discipline..para hindi rin mahirapan ang bata
Kaya nga po nasanay na yung bata magulang ang kinokontrol imbes siya ang kontrolin ng magulang.