First time nilang makasakay ng tren excited pa sila kasi finally maranasan na nilang sumakay. Nung pumunta kami niyan sa Antipolo galing dito sa Cavite. Ang saya nila nakasakay ng tren sa wakas haha. Matatawa pa ako diyan sa pamangkin ko kasi nung dumilim sa may Ayala yata yun parang dumaan kami ng underground bihira lang din kasi ako makasakay ng tren o makabyahe dahil taong bahay lang talaga bantay bata at gawaing bahay ang tanging pinagkakaabalahan :) Natawa talaga ako nung sumigaw ang pamangkin ko ng aswang takot kasi sa dilim kaya kapag madilim ang paligid nagsisigaw ng aswang hahaha. Bawal pa naman mag iingay sa loob ng tren makita lang kayong nag-uusap lalapit na agad yung guwardiya. Para din naman sa kaligtasan ng bawat isa kaya pinagbabawal ang pag-uusap. Kaya nalapitan kami ng guwardiya ang kulit kasi ng pamangkin ko biglang sisigaw nalang tapos aalisin pa yung facemask dahil magdede siya ng hinlalaki o mag ot-ot daw siya kaya nilalagyan ng kapatid ko ng alcohol palagi ang kamay kasi hawak ng hawak kung saan-saan tapos isusubo ang hinlalaki. Kaya nagrereklamo anghang na daw daliri niya haha. Nagbehave na siya nung nakabantay ang guwardiya sa kanya natakot kasi tinitingnan siya tapos sumesenyas na wag maingay natawa nalang talaga kami nanahimik sa takot haha. #RidingATrain #owncontent @ruby0622
6 comments
Naku ka noise marami tlagang masasayang Alaala pag unang beses po ehh. Ganyan din po anak ko nun pero nag enjoy naman po
Totoo Yan sis nakakatuwa hindi malilimutan unang experience nila :)
Oo nga po ehh mapa kahit anung experience papo eh important naging masaya po sila
ako lang yong naka experience sumakay nang tren yong anak ko hindi pa haha napakulit naman talaga nang pamangkin mo sis hehe mama niya ba yang naka pink sis
Opo sis mama niya :) napakakulit nga na bata pero napakalambing niyan. Mga anak ko sis first time pa nilang sumakay Kaya tuwang-tuwa hehe
cute. kaya ako if ever di ko sila papanoorin ng horror pra wlang aswang aswang na nasasabi hahah