read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Happy and Blessed Sunday Noisefam! Nakakapagod ang araw na'to, kakauwi lang namin galing namasyal. Nakakagala uli mga kiddos sa mall Kaya tuwang-tuwa :) Nagyaya kasi kapatid ko puntang mall malapit na rin siyang uuwi ng Mindoro Kaya nakipagkita siya sa bestfriend niya dito lang din sa Cavite matagal na din silang hindi nagkita. Sumama na rin kaming mag-ina para makagala naman mga bata hindi na nakasama si hubby may pasok na kasi siya kapag weekend. Sobrang kulit talaga ng pamangkin ko hindi nakikinig sa mama niya. Kaya tuwing mamasyal lagi siyang nakatali sa mama niya para hindi makalayo. Binilhan talaga siya ng pantali ng kapatid ko dahil napapagod siya kakahabol. Dinaig pa talaga ang lalaki sa kakulitan :D Kaya sabi ng bunso ko so stressful talaga ang pinsan niya kapag ito'y kasama hahaha Nagpapicture na rin ang girls ko ang ganda ng background. Syempre ako lagi photographer nila :) Nakakapagod rin ang gumala mas gusto ko pa sa bahay mag-movie marathon nalang :) Mas lalong napagod ang kapatid ko kakahila ng tali sa pamangkin ko hahaha sobrang kulit talaga. Blessed weekend sa lahat. Enjoy your time with your family. #MallingDay #HappyKids #owncontent @ruby0622

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.