read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Lunch Time Ang ganda ng panahon ngayon maaraw na mahangin siya makakatuyo na sana ng sinampay kong maaga nakapagsampay na. Nabago ang schedule ng paglalaba ko dahil sa Saturday aalis kami ng maaga pupunta kaming antipolo sa bahay ng kapatid ko. Baka magstay din kami ng isang linggo doon. Dahil naglalaba ako itong madaliang ulam lang niluto ko kaya ang tagal ko din matapos sa paglalaba pahinto hinto kasi sa ginagawa. Nag aassist sa mga bata online class nila tapos tinuturuan din sa mga activities na gagawin nila today. Bukas na namin tapusin mga activities para matapos na labahin ko :) Nagluto akong gulay na repolyo at carrot tapos nilagyan ng sardinas ayaw ko ng magkarne muna, nakumbinsi naman din itong asawa kong maarte hehe. Tapos may daing na galunggong nakalimang araw na yata 'to nakalagay sa ref hindi ko pala naluto. Kaya ito nalang partner sa gulay masarap sana din ang tuyo pero ito nalang baka masira :) Kain tayo noisemates. Dapat uminom tayo ng maraming tubig sa panahon ngayon mainit na, nalalapit na talaga ang summer :) #VegetablesWithSardines #DaingGalunggong #LaundryDay #owncontent @ruby0622

13 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.