Kahapon, nagtopic tayo ng tungkol sa mga uri ng estudyante sa loob ng paaralan, ngayon naman at pagusapan natin ang uri ng estudyante kapag late.
Face to Face Memories na? HAHAHAHA
Kung may mga di man ako naidagdagdag, pakicomment nalang para mabasa rin ng iba. Enjoy!
The Palaging Puyat
Di maiiwasan na may kaklase tayong sobrang laki ng eyebags. Yung tipong di mo alam kung anong oras natutulog, minsan puyat sa kakabasa ng wattpad, puyat sa kakalaro, puyat sa gawaing bahay o napuyat kakabantay sa kapatid. Pero syempre di mawawala yung puyat kakapanood, lalo na yung "The Last Emperor K" bayun sa GMA noon? 12am na pinapalabas.
Haters Of Flag ceremony
Eto yung mga studyante na naiinis kapag may flag kasi daw kahit mainit na nasa flag ceremony parin. Kadalasan sa ganitong estudyante eh tulog pa kaya flag ceremony, mag seset ng oras 20 minutes bago matapos para automatic papasok nalang sa first period.
The Lovers
Eto yung mga kaklase natin na makikita mo kahit saang panig ng mundo tayo naroroon na naghihintay sa jowa nila, yung ayaw pumasok ng di kasama yung mga mahal nila pero break naman kapag di nila pinakopya.
The Story Lovers
Sino pabang di mawawalan ng ganitong kaklase? Sila yung mga classmate natin napupuyat kakabasa ng novels at pati sa pagpasok ay dinadala pa rin, yung tipong sa sobrang hilig at addict na nacoconfiscate na palagi at madalas sila na libro na nila ang suki ng dora box ni ma'am/sir.
The Second Period Student
Minsan hanga ako sa taong ganito, yung di papasok ng first period pero sa second period eh present na. Pag tinanong mo naman sasagutin ka na may ginawa o di kaya'y puyat na puyat dahil sa may pinanood o ano pa man. Karanasan sakanila tambay sa computer shop.
The Working Student
dito ka lang talaga maniniwala kapag late, lalo na kapag super late talaga sila dahil sa dami ng inaasikaso nila. Kadalasan sakanila ay mga pinapaaral ng teacher at yung iba naman ng mayayaman o politiko. Yung iba sakanila grumaduate as summa cum laude o valedictorian.
The Tambayers
Eto yung mga kaklase natin na tatambay muna bago pumasok, kadalasan sakanila ay pinanggigigilan ng mga teacher dahil sa pagiging late palagi. Yung iba umaga palang lasing na, yung iba naman food is life muna bago klase. Kadalasan sakanila ay maiintindihan mo kung bakit ayaw nila pumasok ng maaga, lalo na kapag terror yung teacher niyo.
Iilan sa ganitong bagay ay karanasan ko mula sa aking mga kaklase, hindi ko naranasan maging late dahil ako yung Palaging maaga kapag may pasok kami. Pinapagalitan kasi ako ni daddy kapag late pumapasok kaya wala akong choice kundi pumasok nalang rin ng maaga.
I'm done with my first vaccine! Ang bigat sa braso 🤣.
Ayaw ko sana magpavaccine kaso yung kuya ko nilista pala kami at iniwan yung dalawang slot para samin. So no choice ako kundi magpavaccine nalang.
Latest Articles:
Closing Thoughts,
Nakakamiss no? Yung panahon na face to face pa tayo lagi nating hiling na sana ay holiday nalang, na sana ay byernes na agad. Halos di tayo nawawala dun sa point na gusto natin matapos na agad lahat, yung parang mapapasabi ka nalang na "Sana pala nung di pa pandemic sinulit ko na".
Napakabilis magbago ng lahat, noon sobrang saya tingnan ng kapaligiran dahil di ka kakabahan, di ka magaalala at mas lalong wala kang problema. Yung tipong sobrang gaan at chill sayo ng lahat, yung mapapangiti ka nalang ng kusa kasi bigla mong maaalala kung gaano kasaya yung panahon na face to face pa lahat at di pa pandemic, kung maibabalik lang ang nakaraan, sana ngayon nakakagalaw parin tayo ng maluwag.
Pero, dahil sa pandemic ang dami kong narealize.
narealize ko bigla yung totoong halaga at kahalagahan ng face to face kesa sa virtual lahat, mas naintindihan ko di masaya kapag puro virtual lahat. Wala yung excitement.
Plagiarism,
8-23-21
By: OfficialGamboaLikeUs
Nakakamiss maging estudyante. I'm in sa the story lovers pero wala pa namang naconfiscate sa akin. Matinik ako magtago ng mga babasahin ko.