"Ang Aking Mga Alaga"

48 84

Ang artikulong ito ay isang inspirasyon dahil ngayon at tinaguriang buwan ng wika, hayaan ninyo akong ipakilala pa ng husto ang aking sarili.

Salitang Tagalog ang aking gagamitin, buwan ng wika ay muli nating buhayin.     Habang tayo'y nasagitna ng pandemyang suliranin, sa mga artikulo, atin itong muling bibihagin. Sapagkat ito'y nakasanayan at talaga namang iintindihin. 

Ang bawat letra at titik ay hango mismo sa nakaraang nais kong buhayin. Upang sa takipsilim, ang liwanag ay muli ulit akitin.

Isa itong tula mula sa aking sarili, aking iisa-isahin ang mga alagang iniligtas na muntik nang patayin. Sana'y magustuhan niyo ang munting tulang gagawin, dahil aking ikakatuwa kung ito'y mabigyan niyo ng pansin.


Ako'y bata pa lamang, Laging nagaalangan sa aming tahanan
Pusa at aso ang nasaking kapaligiran
Galak, tuwa at saya ang madalas naglalaro sa aking isipan
Minsa'y may kalungkutan, madalas nilalamon ng 'sang katauhan
Ako'y isang anak lamang
Mukha pang palamunin, sa loob ng kabahayan

Madalas aso at pusa ang aking sinasamahan
Kausap sila na para bang totoong kaibigan
'Di alintana ang hika at tunog sa bawat paghinga,
Dahil para sa isang munting batang walang muwang,
Sila ang nagsisilbing tunay na kasamahan.

Madalas ako may katanungan
Kada nakikitang may sinasaktan na iba sa bawat katauhan
Laging nasaisipan, na hayop lamang sila ay May nararamdaman 
Laging sigaw ng puso na sila'y h'wag pahirapan,
Sapagkat bata pa lamang ako at wala pang kalaban-laban.


Ako'y may aso, Princess ang kanyang pangalan
Siya'y maamo, malambing na bumabagay sa pangalan ng tahanan
Bantay kinagabihan, upang mapanatiling ligtas ang aming kabahayan
Ngunit isang araw, kailangan na namin mamaalam, at kailangan na namin siyang bitawan
Siya'y umiiyak, habang binubuhat ng taong hindi lingit sa kaniyang kaalaman
Naririnig ang hinaing, tila nag tatanong kung may nagawa ba siyang kasalanan
At nasabi sa batang isipan, 'Ayaw kong maulit pa to kapag ako'y nasa tamang kaedaran.


Photo credits to the rightful owner

Browie ang kanyang pangalan,
Sa maliit na bagay siya'y may taglay nakakulitan
Akin siyang unang nakita sa lansangan, dinadaanan lamang ito ng mga sasakyan
Labis ko itong kinaawaan, ngunit sa aking isipan baka ito'y alaga ng mga taong rumadaan
Lumipas ang ilang kapanahunan, siya'y nakita kong labis ang kahinaan
Umuwi akong luhaan, tila nawaglit sa aking isipan ang nangyare sa nakaraan.

Binalikan ko siya kinabukasan,
May dala akong telang kaniyang paglalagyan.
Tila nabuo sa aking isipan,
Na siya'y ililigtas ko mula sa bingit ng kamatayan.


Siya'y si beauty, 
Ang ganda ng pangalan na bumabagay kung ano ang kanyang katauhan.
Malambing at mapaglaro, isa yan sa kaniyang katangian
Lagi ko siyang pinupuntahan sa dati niyang amo na may kapintasan
Nauulanan, pinaglalaruan, at sinasaktan ng mga bata sa kaniyang kapaligiran
Ako'y labis na naawa, may tumuluhang luha mula saaking mga mata
Kaya ako'y nakiusap na lamang,
Na siya'y ihabilin at aking aalagaan.


Siya'y si muningning
Nag bibigay ningning sa munting mga bituin.
Nakita ko lamang sya sa likuran ng aming bahay,
Nakahandusay at halos wala nang buhay.
Aking kinuha at agad na inalaagaan
Hanggang bumalik ang kaniyang lakas at ako'y hindi niya na kinalimutan.


Siya'y si Princess, mapagmasid sa kanyang paligid
Tila laging nakatulala habang sayo'y nakikipagtitigan
Minsa'y di maintindihan pero ubod ng kakulitan
Pasaway at gusto lahat ay inaangkin niya ng tuluyan.


Sila' magkakapatid
Anak ng aming asong pangalan ay beauty
Lahat sila'y mababait
Lahat sila'y malalambing
Lahat sila'y aking pantakas problema
Sa taglay nilang kaingayan,
Tiyak mapapangiti ka nalamang kahit nasakaligtnaan ng itong pahinga.


Siya'y si Orenji
Aking inalagaan nung ako'y nasa siyam na baitang
Siya'y binuhusan ng tubig ng aking katiyaan
Ako'y lubos na naawa sapagkat ako'y nagpapakain lamang sakaniya
Siya'y pumanaw nung nakaraan na buwan
Sa bisig ko siya'y namaalaman
Hindi ko iniwan kahit ang sakit tingnan
Dahil alaga ko siya at di kaya ng aking kalooban


Closing Thoughts:

Iilan sila sa aking inalagaan, mayroon pa sa paaralan. Ngunit may katagalan na ang aking huling pagdalaw, sana ito'y inyong nagustuhan. Hanggang sa uulitin mahal kong mga kaibigan

Lubos kong kinadadangal ang inyong pagbasa, pagpalain sana kayo ng Ama Naming Ispirito Santo. Sana ngayong araw kayo'y di problema, sapagkat ang buhay ay maiksi kaya dapat huwag bigyang pansin kung ano man ang isipan ang magulo.


Date: 08-05-21
By: OfficialGamboaLikeUs

17
$ 8.12
$ 7.47 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.10 from @ZehraSky
+ 10
Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty

Comments

Ang daming alaga pero kawawa naman si Orenji :( Ang sama talaga ng ugali ng tao :(

$ 0.05
3 years ago

ganyan po kasi sila, mapintas masyado sa hayop

$ 0.01
3 years ago

Pwede amponin isa sa kanila? 😍😍😍

$ 0.05
3 years ago

kung pwde lbc e wh not HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Ang cute naman ng mga Alaga mo sis. Btw, ba’t ang galing nyo sa wikang tagalog? Ako sinubukan ko pero ang hirap talaga

$ 0.05
3 years ago

baka sa makata ate, nagmamakata kasi ako noon ahehe

$ 0.00
3 years ago

Wahhh, mahusay kang tutula bata. Ating ipag yabang sa iba ang ating sariling wika. Ipaalam sa LAHAT na tayo'y isamg mahusay na Makata!

Anyway, ang cutie nong mga cute little babies na iyan. Amin nalang lahat 🤩🤩💙. Pero kawawa naman si Orenji ee ☹️

$ 0.05
3 years ago

ate isa lang wag lahat HAHAHAHA mahal na mahal ko mga yan

$ 0.00
3 years ago

Ang cucute ng mga alaga mong aso meron din akong inaalagaan na mga aso at pusa kaso puro moody HAHAHAHAHA

$ 0.05
3 years ago

mas malakas ba toyo kesa sa may ari? HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

So cuuuute naman nila! Lalo yung mga tuta. Kakatuwa. 😁

$ 0.05
3 years ago

oo ang kukulittt, gusto rin laging pinapansin

$ 0.00
3 years ago

Ang cute naman nila penge naman ako anak ni beauty ang cute nila haha Paki LBC nalang haha joke

$ 0.05
3 years ago

dapat may food sya sa loob ng magdedeliver HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Ilang sako poba ng dog food gusto niya Hahah joke lang😂

$ 0.00
3 years ago

Magsasaya siguro yan pag isa o dalawa AHAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Whoa, ang magtagalog ni lodi ahh, hirap ako nyan sa pagbabasa, bisaya kasi ako haha

$ 0.00
3 years ago

Ang dami naman nila, mahilig ka pala sa aso,kasi ako medyo takot sa kanila kaya hindi ako nag aalaga,pero maganda yang ginagawa mo dahil maraming mga hayop napinapabayaan lang kaya kung san san tumitira,kaya madalas nasasaktan,kawawa din naman.

$ 0.00
3 years ago

Si Muningning at Beauty talaga ang nakatawag pansin sa aking paningin...kyeooooooooo

$ 0.05
3 years ago

Kyeopta ba unnie?

$ 0.00
3 years ago

domo kyeoooooooo langgga aigooooo!!

$ 0.00
3 years ago

Wahhh... Ang cute nila be..😍😍😍 Nga lang takot ako, baka mangagat..😅

$ 0.05
3 years ago

Mabait sila ateee hehehe

$ 0.00
3 years ago

Omg, Brownie! Lika na. Uwi na sa bahay! Dali!

$ 0.05
3 years ago

Makulit masyado yan e walang ginawa kundi mangasar 🤣

$ 0.00
3 years ago

Nakakaawa naman si Orenji. Alam mo mga kapitbahay ko ganyan. Pag umuwi ang pusa ko Laging tuklap ang balahibo dahit sa, mainit na tubig, pwede naman bugawin kailangan ganunin pa

$ 0.05
3 years ago

Lagi kon sinsabi na karma na bahala sakanila

$ 0.00
3 years ago

So galing ng poem, naiisa mga alaga👏👏👏at ang dami nia☺️

$ 0.05
3 years ago

madami sila ate e kaso wala ungiba dito HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Ay wow ipart 2 mo n yun iba❤️ saya

$ 0.00
3 years ago

Ang cucute nla sis. 😁 lalo na yung two na magkatabi

$ 0.05
3 years ago

pangarap ko magtayong shelter soon te for them aheeee

$ 0.00
3 years ago

Nagiging makata talaga tayo kapag ginagamit angbating wika. Napakagandang basahin ang mga titik na matalinghaga😍

$ 0.05
3 years ago

tamaaaa

$ 0.00
3 years ago

Langga mahilig din ako sa mga pets. Mahilig ako sa cats and dogs. . Napaka cute ng mga pets mo Langga..🥰😍

$ 0.05
3 years ago

madami papo sila kaso wala ung iba dito

$ 0.00
3 years ago

Na miss ko tuloy mga pets ko din Langga panu hindi maka uwi2...

$ 0.00
3 years ago

Ang kyut lahaaaatt 🥺😭 Pa ampon isa HAHAHAHHAH Bey ko yung black puppy na may white socks at may white sa ulo niya, ang kyut 🥺🥺

$ 0.05
3 years ago

si dyrroth? HAHAAHAH

$ 0.00
3 years ago

Dami nyo po talagang alaga grabe. Life saver po pala kayo. Maganda din may alagang pusa or aso sa bahay nakakawala ng badvibes hehez. Cute ng mga alaga mo sabe ng sister ko

$ 0.05
3 years ago

opoo lalo na kapag badmood HAHAAHAH

$ 0.00
3 years ago

Ang cute nila lahat! Grabe yung paawa effect ni Princess hehe. Cuteness overload ka everyday niyan sis.

Wait nakakalungkot yung kay Orenji huhu. Huuugs na mahigpit. Sana marami siyang laruan dun kung nasan man siya.

$ 0.05
3 years ago

oo nga e, sya ung pinakamatanda sa alaga ko pero wala aksi ganun talaga

$ 0.04
3 years ago

Manang, saklap naman ng inabot ni Orenj. Ramdam ko nung nakita ko pic nya

$ 0.05
3 years ago

kinagat po yan e, nagulat lang ako manong asi di naman ganyan itsura nya

$ 0.00
3 years ago

Ah akala ko ba binuhusan ng mainit na tubig

$ 0.00
3 years ago

opo saka kinagat

$ 0.00
3 years ago

Kawawa naman

$ 0.00
3 years ago