Naaalala mo pa ba? Yung mga lumang tugtugin na bumuo saatin nung bata pa tayo? Nakakasarap balikan no? Nakakasabik maalaala, nakakasabik alalahanin. Naalala ko noon, kada umaga laging pinapatugtog ng ng aking ama yung mga lumang tugtugin na nag mulat sa mata ko kung gaano kaganda ang tugtugin nung kapanahunan ng mga lolo at lola natin.
Tara na't balikan itong mga tugtugin na mula sa nakaraan, tayo'y magbalik tanaw ulit, sa mga tugtuging unang bumihag saatin.
Que Sera Sera
Naalala ko nung bata ako, isa to sa mga kantang nagustuhan ko. Halos gusto ko rin na marinig to dahil parang isang napakagandang musika na parang paulit-ulit umiikot sa aking taenga.
kahit walang tugtog noon di ko maiwasan na kantahin ng kantahin to, minsan sinusuway na ako dahil daw maingay pero dahil pasaway ako di ako nakikinig.
Click to watch:
"Itsy Bitsy Teenie Weenie Yellow Polka Dot Bikini"
Aminin man natin o hindi pero karaihan isa to sa mga kantang nagustuhan nung bata patayo, tapos sabay pa natin sinasabayan yung "One, two three, four, tell the people what she wore". Bring back memoris ba? Masyadong maganda sa taenga pakinggan eh, sinasabayan ko pa yung "tell you more" sa lyrics niya. Nakakatuwa lang alalahanin to.
Click to watch:
The Platter- Only You
Kamusta yung mga magulang natin na inlove nung panahong bata pa tayo o kapanahunan nila? Alam ko kinder palang ako lagi ko naririnig na kinakanta to niDad kay nanay. Ang sweet no? Hanggang ngayon kinakanta pa rin ni Dad kay nanay to. How I wish sana makatagpo ng tulad niya.
Click to watch:
The Lennon Sisters- Tonight You Belong With Me.
Naaalala ko nung bata ako, lagi ko sinasabayan to tas pag pinapatulog nila ako ito rin pinapatugtog. Pero syempre wala akong alam kung para saan yung kanta, hanggang ngayon rin naman pero gustong-gusto ko siya.
Click to watch:
The Chordettes- Mister Sandman
Actually no idea ako na old song to, yung music kasi nagpaparemind saakin sa nilalaro ko palagi sa isang play station kasi ganito yung intro. AHAHAHHA
Click to watch:
Fools Garden- Lemon Tree
Actually etong kanta na to sikat pa rin siya ngayon, I mean is ginagamit siya sa mga memes kahit angganda ng lyrics. Pero ayos rin, ng dahil sa bagay na yun nabigyan ulit ng pansin yung kantang to.
Click to watch:
Bee Gees- Too Much Heaven.
Isa to sa mga kantang nagustuhan ko sa Bee Gees, sobrang classic kasi. Untilnow gustong-gusto ko parin pakinggan at marinig. minsan kapag walang tao sa bahay o walang natutulog naa full volume speaker ko at puro mga classic songs pinapatugtog ko. nakakamelt ng heart.
Click to watch:
Hey Jude- The Beatles
Hindi ko noon paborito to eh, pero dahil laging kinakanta ni mader sa karaokehan naging gusto ko na rin. Madalas kasi puro Bee Gees kinakanta nila.
Click to watch:
Carpenters- Top of the World.
Aminin man natino hindi pero isa to sa inakamagandang napakinggan natin kahit nung tayo'y bata pa. Hinahanap-hanap to ngtenga ko dahil ang ganda, until now palagi ko parin siyang pinapakinggan.
Click to watch:
George Michael- Careless Whisper.
Sobrang gusto ko yung kantang to, sobrang gusto na gusto ko. Di ko alam bakit sa ganda nglyrics nito ginagawang pang sexy dance ng iba jusko. Actually kamakailan ko lang nalaman yung lyrics nya talaga and yes, super ganda talaga. Wag nyo gawing pang kung ano-ano jsme.
Closing thoughts:
So I'm not sure kung days ba ako nawala o isang araw lang, wala kasing kuryentedito saka ala ako sa mood ng ilang araw. Di ko alam kung kamusta ang lahat, pero sana ayos lang kayo.
So iilan to sa mga kantang kinakalihan natin, madami pa akong nakasave dito hinahanap ko lang, may knock on the woods pa, saka yung ibang Abba at carpenters rin.
MAGANDANG HAPON SA LAHAT!
Date: 08-07-21
By: OfficialGamboaLikeUs
Un Careless Whisper kasi un umpisa nya nakaka sexy lang haha! Tsaka ganun na kasi narerelate palagi. Un ibang songs di ako familiar pero nakikinig ako ng mga ganto parang background noise lang pero hindi ako familiar sa mga lyrics at titles.