Dahil ngayon ay buwan ng wika, nais kong maglaan ng kwentong pag-ibig para sa lahat. Sa totoo lang di ako magaling sa ganitong gawain pero susubukan ko para maiba naman. Nainspired kasi ako sa article ni ate @Jane hehe.
"Minamasdan kita, ng hindi mo alam. Pinapangarap ko ikaw ay akin, saiyong ngiti ako'y nahuhumaling. At sa tuwing ikaw ay lumalapit ang puso ko'y tumigil" ani saakin ng mahal kong si Roberto, habang nakasilay sa matatamis nitong mga 'Ngiti'.
"Ikaw ang tangi kong iniibig, ikaw ang aking mahal, magpakailanman. Dito sa aking puso, wala nang papalit, sa isang katulad mo kahit na magpakailan pa man", sagot ko naman sa mahal kong si roberto, ako'y tumukod at lumapit sa kaniyang taenga. At bumulong, 'Ikaw ang iibigin ko'.
"Amanda mahal ko, ano ang gagawin? Sa utos ng damdamin? At para bang hangin na kay hirap, pigilin. Sana'y unawain ang pusong sayo'y baliw." Kanyang sambit at hinawakan nito ang aking kamay, lumuhod ito at sa mata ko'y tumitig. "Nais kong malaman mo na Iniibig kita, Amanda"
Sa kabilang dako'y nakita ko si Robertong may kasamang iba, agad itong aking kinompronta.
"Kaibigan lang pala, kaibigan lang pala. Nabawi ang aking pangangamba. Aking nadadama, ngayo'y pagasa na. Pagkat siya ay, Kaibigan Lang Pala".Napangiti kong sambit dito. Nakita ko itong huminga ng malalim at agad kong hinawakan ang mga palad nito, "Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko, magbago man ang hugis ng puso mo. Handa na kong hamunin ang aking mundo, pagkat Tuloy Pa Rin", mahina kong sambit na sakto lang upang kaniya'y marinig. Agad ko itong tinalikuran, ayaw kong makita ang kaniyang ekspresyon. Hindi ko na ito pinansin pa, at tuluyang lumayo.
Lumipas ang ilang taon, nakita ko si Roberto sa harap ko, may dalang bulaklak at nakatitig lamang saakin.
"Amanda, di ko nais ang magkalayo tayo. Nag selos ka at nilayuan moko, tunay nga naman. Tunay bang ganyan? Bumalik ka naman" simpatya nito, lumapit ito ng bahagya upang matingnan an mata ko. "Kahit ano pa ang iyong gusto, okay lang naman basta magkabati tayo. Minamahal kita, hihintayin kita. Sorry na, pwede ba?"
"Ikaw ang laging hanap-hanap, sa gabi't araw. Ikaw ang nais kong sa twina ay natatanaw. Ikaw ang buhay at pag-ibig wala nangang iba, Sa Aking Puso tuna'y kang iisa." Tanging tugon ko, dama kong bumilis ang tibok ng puso ko sa salitang binitawan ko para sakaniya, sa totoo lamang masyado akong nanabik. Di ko nagawang magkagusto sa iba, dahil siya pa rin ang gusto ko.
Lumapit ito at ibinigay ang hawak na bulaklak, agad kong kinuha ito. Inilapit niya ang kaniyang noo sa aking noo, ipinatong at tumingin sa mga mata ko. May kislap sa mata nito, huni ng pagmamahal kung ika nga. "Buhay ko nasayo, matitiis mo ba ako oh baby? Wag sanang, nagtampo. Sorry, pwede ba?" . Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya, pakiramdam ko mahal ko parin si Roberto, oo mahal ko pa rin siya.
"Mula ng makilala ka, aking mahal. Di ako mapalagay sa kakaisip ko sayo", nakangiting sambit ko at dinama ang mga palad nito. "Bakit? Labis kitang mahal"tanong ko. Sa totoo lang di mawari ng aking puso kun bakit ay sobrang mahal ko siya.
"Kung ito, inaalagy ko sayo lamang kaya wag ka magdaramdam pagibig ko sayo'y nakalaan." Tugon nito, at bumulong ng 'Kailanman.
Article Song Sources:
Ngiti
Ikaw Ang Iibigin Ko
Iniibig Kita
Kaibigan Lang Pala
Tuloy Pa Rin
Sorry Na, Pwede Ba?
Bakit Labis Kitang Mahal
Kailanman
Closing Thoughts,
Wala akong idea kung sinusundan ba nito ang bawat tugon, nagagandahan lamang ako kasi para syang teatro. Sana'y nagustuhan ninyo.
Plagiarism Checker:
Date: 8-13-21
By: OfficialGamboaLikeUs
May war flashbacks ako dun sa Ngiti na kanta eh HAHAHAHA grabe memories. Feeling ko tuloy ang tanda ko na