read.cash Log in

@ruby0622

Joined 22 September 2022 · 495 posts

Mother of two adorable girls

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@ruby0622

Chicken Salad Maalala ko dati ganito madalas ang hapunan ni mister dahil nagpupursige siya sa pagdadiet. Na-excite sa 15k challenge na sinabi ng mama niya, na bibigyan siyang 15k kapag pumayat siya. Nitong mga nakaraang linggo tinamad na magdiet haha balik sa dating gawi na :) Hanggang December ang challenge nila kaya pinapaalala ko sa kanya baka nakalimutan na ang challenge nila ng mama niya hehe. Parang ayaw sa reward hindi pursigido, pero sabi naman niya mag umpisa daw siya sa sunod na buwan ilang araw nalang daw kaya pagbigyan na siya :) Kaya sabi ko dapat siya manalo sa challenge sayang ang reward haha at kung matalo naman kami daw magbayad sa biyenan ko ng same amount, yun usapan nila ng mama niya. Titingnan ko nalang kung tutupad ito next month daw magpursige na daw siya. Sabi ko nga pinagbigyan na siya bumili ng air fryer at timbangan para mamonitor daw timbang niya bihira lang naman magamit niya. Hoping talaga sisipagin at magpursige na, hindi nagsasawa sa sermon ko itong tao nato haha. Kumusta kayo Noise fam? Tapos na long weekend pasok na uli bukas mga estudyante natin. Mapagpalang gabi sa ating lahat!

@ruby0622

Movie Night Ngayon lang uli nakapanood ng movie, dati kasi tuwing weekend nanonood ng movie nahinto lang dahil may pasok na daddy nila every weekend. Pero ngayon hindi masyadong busy sa work si mister kaya nakaset up siya ng panoorin ng mga makukulit hindi kasi ako marunong haha work from home lang naman daddy nila kaya nanonood din habang nagtatrabaho :) Mabuti nalang din walang pasok bukas sa school kaya nakakapanood mga bata. Hindi ko masyadong gusto pinapanood nila, silang mag-aama magkasundo sa papanoorin mahihilig sa cartoons hehe. Ako naman gusto ko na movie yung suspense, gusto ko yung nagugulat ako haha. Habang nanonood ito nagpapak ng tsitsirya at yung natira na ice cream happy na mga kiddos sa snacks nila :) #SundayNight

@ruby0622

Pasalubong from Baguio Isang mapagpalang araw ng Sabado noise fam!katatapos lang namin kumain ng mga bata, nasa work si mister kaya kami lang mag-iina dito. Napagod kami sa lakad namin ng mga anak ko sinama ko sila dahil ibili ko sana sila ng sapatos na yung goma para pwede mabasa na maganda naman tingnan hindi mukhang mumurahin hehe. Pero wala kaming nabili nagpapagod lang kami kakalakad palipat-lipat ng tindahan. May inalok kasi sa akin na uniform nila kahapon isang daan isang set pero sira yung zipper ipapaayos ko nalang medyo maayos pa naman din. Ang mahal na rin ng bagong uniform isang set nasa 600pesos na rin yung size sa mga anak ko. Saka na bibili kapag may badyet patiyagaan muna ang lumang uniform o kaya wag muna mag uniform hindi naman required :) Panay reklamo ni bunso tired na daw siya bumili nalang akong ulam para kain nalang pag-uwi nagsaing na ako kaninang breakfast hanggang dinner na yun :) Tamang-tama pagkatapos namin kumain may naghatid ng biyaya. Galing Baguio ang kapitbahay namin, kaya ito daw pasalubong ko :) Nakakatuwa kasi naisip akong bigyan kahit nakailang punta na ako sa Tagaytay wala akong pasalubong sa kanya natapat din kasing walang badyet, nakakahiya tuloy tanggapin haha. Pero bawal tumanggi sa grasya kusa naman itong binigay bawi nalang ako sa kanya sa susunod. Ang bilis ng araw weekend na kaagad nakaisang linggo na mga estudyante may pasok. Stay safe ang lahat.

@ruby0622

First day of face to face Class Pagkatapos ng dalawang taon na online class nakapagface to face na rin. Ito ang unang araw ng aking panganay sa kanilang batch na pumasok sa paaralan kaya excited siya kanina :) Sa una at pangalawang larawan ay ang paghatid ko sa kanilang room. Ang oras ng pasok niya ay 10am-2pm mas gusto ko na rin ganitong schedule kasi hindi siya mapilitan gumising ng maaga. Pagpasok nila sa room ay magdisinfect muna bago umupo sa kanilang upuan. Hindi pa ako nakabili ng uniform wala pang badyet hindi naman required pero mas maganda parin talagang nakauniform sa sunod na sahod na siguro unahin muna ang bag nila ni bunso. Ang dala na bag ng panganay ko kanina nung grade one pa siya niyan hindi na bagay sa kanya kaya lang wala pang magagamit na iba :) Sa pangatlo at panghuling litrato ang pagsundo ko naman dumating ako sa paaralan wala pang alas dos pero nasa labas na siya ng room naghihintay napaaga uwian nila. Sabi naman niya, It was great and fun daw first day of school niya sa Wednesday and Thursday daw uli sila papasok. #FirstDayOfSchool

+1 more

@ruby0622

Tinolang Pampano for Dinner Nakapaghapunan naba ang lahat? Kami katatapos lang, nagluto akong tinolang isda wala akong mahanap dito sa palengke namin na salmon belly. Kahapon pa nagrequest panganay ko ng sinigang sa miso na salmon belly. Kaya itong pampano nalang binili ko masarap din ang isda na'to kasi malaman at mataba siya nagmamantika ang sabaw niya :) Medyo mahal lang talaga ang isda na'to isang piraso lang mag200pesos na kaagad. Paborito rin ito ng mga bata bukod lang sa daddy nilang maarte :) Nakakapagod rin ang araw na'to ang dami kong nilabhan isang linggong labahin kaya tambak. Sinamantala ko na habang walang pasok ngayon kahit hindi maganda ang panahon paulan-ulan at paambon-ambon kailangan na talagang maglaba. Bukas first day ng panganay ko sa kanilang face to face hoping huwag umulan. Praise God wala na siyang lagnat o sinat kaya nakaligo na kanina ng warm water para mailabas din ang init ng katawan. Excited na rin siyang pumasok sa paaralan pagkatapos ng dalawang taon na online class makapasok na uli sa paaralan :) Kumusta ang weather diyan sa inyo? Stay safe kayo ang hirap magkasakit.

@ruby0622

Coffee Time Dahil maulan na hapon masarap magkape. May binigay sa akin ang kaibigan ko na Cadbury parang hot choco pinadala daw ito ng bf niyang foreigner :) Medyo matagal na niya itong binigay ngayon ko lang naisipan itry parang masarap siya ngayong malamig ang panahon. Pero nung tinimpla ko na hindi ko gusto ang lasa pati amoy ayaw ko rin parang naglilihi lang haha. Pinatikim ko Kay bunso Kung gusto niya ayaw niya rin. Bakit naman kasi ganun ang ganda ng hitsura ng hot choco sa karton niya tapos hindi naman ganun nung natimpla na :) Kaya nagtimpla nalang ako ng kape dinamihan ko ng kape at kaunting creamer lang at asukal. Bihira lang akong magkape kapag hapon madalas sa umaga lang pero kapag ganitong maulan masarap talagang magkape :) Medyo malakas ang ulan at mahangin dito sa lugar namin doble ingat po tayong lahat.

+1 more

@ruby0622

Ulam for Lunch Hindi na ako nakapamalengke kanina ng uulamin namin sa pananghalian kaya kung anong stock na maiulam ito nalang niluto ko. Nagrequest pa itong panganay ko ng salmon belly na sinigang sa miso paborito niya kasi yun. Kaya lang medyo tanghali na nagising wala akong maayos na tulog minomonitor ko ang panganay kong nilalagnat. Praise God kaninang umaga paggising wala na siyang lagnat normal na ang init ng balat niya. Kaya nakapasok siya sa online class nila kaninang alas diyes. Wala Kasi akong thermometer kaya hindi ko ma-check ang temperature niya. Praying talaga gumaling na siya. Nabago pa naman ang face to face pasok nila instead na Friday sa Thursday na. Nagluto nalang akong chicken nuggets at spam paborito rin naman nilang magkakapatid yun nga lang walang sabaw na mahigop. Ayaw rin naman nila ng ampalaya. Kaya sa akin yan, pure ampalaya lang yan walang sahog nilagyan ko lang kaunting toyo masarap parin naman fave Ko rin ito na gulay. Hindi lang namana ng mga anak ko ayaw talaga nila sobrang mapait daw :) Kumusta ang weather diyan sa inyo? Dito paambon ambon at medyo mahangin rin. Mag-iingat po tayo palagi lalo sa naapektuhan ng bagyo doble ingat po kayo at maging handa. Blessed Tuesday Noise fam!

@ruby0622

First day of School may Fever Bumalik na naman lagnat ng panganay ko nawala na kaninang umaga paggising niya. Kaya nakapasok pa siya sa online class kaninang umaga. Ngayon hapon nilagnat na naman siya. Kagagaling lang ni bunso si ate naman niya nagkasakit. Ayaw pa gumana pa yung thermometer nawalan na yata ng battery. Hindi ko tuloy ma-monitor ang temperature niya. Nagluto akong fries meryenda ni bunso, si ate naman niya gusto ng orange kaunting fries lang kinain. Hoping bukas mawala na lagnat ng panganay ko ang hirap talaga magkasakit kagabi medyo puyat kababantay mainit kasi talaga siya. Ngayon din pinupunasan ko palagi para mawala ang init ng katawan. Niloloko pa ng daddy niya baka na-pressured daw dahil may pasok na kaya nilagnat :)

@ruby0622

Tinolang Manok may Tanglad Isang mapagpalang araw ng Lunes Noise fam! Ito ang unang araw ng pasukan ang ating mga estudyante. Kaya umpisa na naman ng pagiging abala lalo na kung face to face hatid-sundo sa ating mga anak. Dito sa amin sa Biyernes umpisa ng face to face by batch nasa bente rin isang batch. Itong panganay ko Kung kailan pasukan na nilagnat naman nag umpisa kagabi kaya medyo puyat din ako pinupunasan ko palagi humupa lang ng umaga paggising medyo sinat nalang hanggang ngayon kaya nakaattend siya ng klase kanina kasi online class lang naman. Naging maayos na pakiramdam ni bunso ang ate naman ang pumalit na nagkasakit. Kaya nagluto akong tinolang manok para makahigop ng sabaw. Nilagyan ko ng tanglad ang tinola Kasi sobrang lago na ng tanim kong tanglad nagagamit lang kapag nagtinolang isda ako :) Pampabango na rin sa tinola itong tanglad. Mabuti nalang parehas ng schedule ang dalawang anak ko sa klase alas diyes ng umaga hanggang alas dos ng hapon para kapag face to face na isang hatiran at sunduan lang hindi masyadong magastos sa pamasahe. Mabuti nalang din hindi masyadong maaga pasok nila matagal kasi silang nagigising. Kaya lang mainit na talaga kapag ganun oras. Happy lunch! Stay safe ang lahat.

@ruby0622

Kitchen/Bathroom Wallpaper Dumating na yung inorder ko online na pandikit sa aming kusina at banyo bumili rin akong towel sapin sa likod ang dalawang dalaginding ko :) Ito yung pinagkakaabalahan ko kahapon at naglilinis rin ng bahay dahil medyo matagal ang aming bakasyon sa mga biyenan ko kaya pag-uwi dito sa bahay madumi kailangan linisin para maaliwalas sa paningin :) Nadikit ko na ang wallpaper sa aming kusina, scam naman nababasa ko sa reviews madikit daw talaga pero nung dinikit ko na ayaw talaga kahit pinunasan ko ng maayos bago idikit kaya naka-tape tuloy. Itong sa banyo hindi ko pa nadikit tinamad pa hehe baka bukas ko na maasikaso sana madikit n siya. Nagustuhan ko lang yung towel kasi makapal na rin siya sa halagang 86 pesos may 12pcs na sulit na rin magagamit nila ito kapag nagface to face. Makulimlim na naman ang panahon ang lakas pa ng kulog kaninang umaga maaraw kaya rin nagkakasakit paiba-iba ang weather. Mag-iingat kayong lahat. Happy and Blessed weekend Noise fam!

@ruby0622

My Niece Birthday Celebration Sobrang saya ng birthday ng pamangkin ko. Ang daming kaklase na inimbita hindi magkasya sa bahay nila kaya sa bahay namin nagceleberate :) Ito ay bahay namin sa probinsya. Halos magkalapit lang bahay ng kuya ko sa bahay namin sa probinsya magkaparehas lang ng barangay kaya dito na sa bahay sila nagdaos ng kaarawan ni pamangkin kasi mas maluwag. Sa unang larawan ang dalawang dalaga ko na pamangkin, yung mas matangkad siya ang birthday celebrant ang bunso ng kuya ko katabi si ate niya. Limang taon na pala ang nakalipas labing-apat na taong gulang pa si pamangkin diyan sa kasiyahan na yan kasama mga kaklase ni pamangkin at hindi mawawala mga kapitbahay namin :) Sa probinsya kasi namin kahit hindi imbitado basta alam may kainan pupunta sila hehe. Ang nakakadismaya lang kasi nawawala rin mga gamit sa kusina pati kaldero na may ulam iniuwi din nila dahil labas-pasok ang bisita hindi na namalayan. Saka nalang malaman kapag nagsiuwian na mga bisita. Sa huling larawan naman ang ginawa kong fan art sa kanya ngayon ay labing-siyam na taon na siya dalaga na talaga :) Nagustuhan naman niya ang effort ko sa pag edit ng larawan niya haha ang ganda daw niya. #ThrowbackThursday #MyNieceBirthdayCelebration

+2 more

@ruby0622

Home/Done Check-up Nakauwi na kami kaninang umaga dito sa bahay galing Tagaytay sa mga biyenan ko. Salamat sa Diyos nakarating ng ligtas at payapa. Naka-dalawang linggo rin ang bakasyon pero hindi man lang nakapasyal dahil nagkasakit naman si bunso doon kaya hindi na-enjoy ang bakasyon nila. Pagdating kaninang alas nuwebe ng umaga pumunta kaagad ako sa school nila dahil may brigada eskwela naghatid lang ako ng cleaning materials at nakiusap na ako sa titser uwi na kaagad kasi pacheck-up ko si bunso mabuti mabait yung adviser ng panganay ko :) Simula Sabado ng gabi pa kasi si bunso nilagnat ng pabalik-balik kaya kinabahan ako kasi marami rin siyang kagat ng lamok uso pa naman dengue. May HMO naman kami sayang din naman binabayaran monthly kung hindi gamitin kung kinakailangan lang naman talaga dahil ayoko rin pumunta palagi sa hospital lalo na sa panahon ngayon. Kaya ko pinacheck up ko para masigurado na okay lang si bunso. Ang sabi ng doktor nagkainfection daw lalamunan dahil sa ubo niya kaya niresitahan siya ng antibiotic at ambroxol para sa ubo niya. Grabe sobrang mahal ng antibiotic 900 hundred mahigit isang bote kapag branded, dalawang bote pa naman sabi ni doktor ipaubos. Hindi kaya ng bulsa kaya sa generic nalang pangmasa ang presyo parehas lang naman. Thankful to God dahil hindi dengue kahit may HMO libre na lahat bukod sa gamot ayaw ko parin magstay sa hospital. Kumusta kayo Noise fam?Stay safe and healthy kayong lahat. Blessed Wednesday!

+2 more

@ruby0622

My Hometown Province Habang nagdedelate ako ng mga picture dahil puno na itong selpon nagbibidyo din kasi itong dalawang dalaginding ko kunwari nagbavlog silang dalawa hindi naman maayos ang pagkakuha ng bidyo kaya delete ko na ang iba :) Nakita ko itong larawan nila kasama ang tita at mga pinsan nilang makukulit din :) Ito yung bakasyon namin nakaraang pasko sa probinsya ko sa Surigao kinabukasan ng pagdating namin. Tapos kinabukasan ng araw nato dumating si bagyong odette ang dami talagang bahay na pinatumba o pinadapa sa probinsya namin dahil sa sobrang lakas. Mabuti nalang itong bahay namin medyo matibay, Praise God nakatayo parin. Ang lalago pa ng mga puno o halaman sa likod ng larawan pero pagkatapos ng bagyo halos natumba lahat ng puno sa paligid ng bahay namin mabait talaga si Lord kasi hindi sa bahay namin mismo natumba sa kabilang side. Sa pangatlong larawan nakuhaan ko pa ang pag uumpisa ng bagyong odette. Grabe ang bakasyon namin mahigit isang buwan din nagtiis walang kuryente dahil sa bagyo tiyaga ka talagang magpaypay lang sa mga chikiting kong nasanay sa electric fan. Pero masaya parin ang bakasyon namin mas gusto nga ng dalawang anak ko sa probinsya na kami manirahan. Pero ayaw lang talaga ng daddy nila, laking siyudad kasi hindi sanay sa probinsya :) #VacationMemories2021

@ruby0622

Pasalubong ng Ate Kararating lang ng panganay ko sa labas sila kumain ng lunch kasama ang Lolo at Lola at mga hipag ko. Pumunta dito sa Tagaytay ang pamilya ng bilas ko galing Paranuaque dahil kaarawan nito. Dito din nakatira si bilas magkatabi sila ng shop sa mga biyenan ko. Hindi kami nakasama ni bunso dahil biglang nilagnat siya kagabi pero ngayon sinat nalang awa ng Diyos. Ngayong araw pa naman din pangako ng Lola na pupuntang Zoo dahil magaling na ang Lolo pero nagkasakit naman siya. Panay yaya kasi itong si bunso na mamasyal sa Zoo ngayon sana dahil maganda na ang panahon kaya lang may dinaramdam naman. Pagdating ng ate niya kagigising lang ni bunso at binigay kaagad ang pasalubong niya na gummies tuwang-tuwa naman si bunso :) Sabi ko kaunti lang kainin kasi may kaunting ubo pa rin sila. Basta makatikim lang :) Nagkuwento ang ate sarap daw ng lunch niya steak tapos leche flan ang dessert :) Kami naman ni bunso tinolang manok para makahigop siyang sabaw pumunta pa akong palengke dahil walang mobile palengke na dumaan..Hoping gumaling na si bunso hirap talaga magkasakit medyo puyat din ako kakabantay kagabi. Blessed weekend Noise fam! Stay safe and healthy ang lahat.

@ruby0622

Mga Batang Mahilig sa Pusa ^_^ Tuwing paggising sa umaga pupunta kaagad sa likod ng bahay ang dalawang chikiting ko lalo na si bunso nandun kasi nakatambay ang mga pusa ng kapitbahay. Ang ganda ng kuha ni bunso at muning parehas silang nakatingin:D Pagkatapos nilang maligo kanina makipaglaro na naman tuwang-tuwa talaga mga yan sa pusa lalo na sa mga kittens :) Ito kagigising lang ni bunso nakikipaglaro na naman sa pusa gusto niya talaga silang himas-himasin :) Kaya sinasabihan ko pagkatapos maghawak ay mag alcohol kaagad para iwas sa sakit. Napakahilig talaga nila sa pusa kaya gusto na ni bunso umuwi sa bahay dahil namimiss na daw niya ang alagang pusa na si Owen wala na daw nagpapakain doon haha. Ang ate naman gusto pa magstay muna dito sa Lolo at Lola niya. Sa susunod na Linggo pa daw kami ihatid sa bahay masyadong busy pa sila dito sa shop. Kaya bihira lang din akong makagamit ng selpon nakakahiya naman kasi kung abala sila tapos dotdot lang ako ng dotdot haha. Mapagpalang Araw Noise fam! #Caturday

+1 more

@ruby0622

Model daw sila ^_^ Magbabantay daw din sila kaya habang wala pang customer picture taking muna :) Kami incharge magbantay dito sa shop ng kanilang Lolo at Lola umalis kasi sila :) Kagigising lang nila mabuti walang sumpong si bunso paggising nagpakuha ng litrato :) Nanghihingi na ng meryenda ang bilis magutom kakabantay lang :D Paiba-iba talaga ang panahon kaninang umaga maaraw tapos ngayong hapon biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya dapat kapag lumabas ng bahay may dala palaging payong. Mahirap magkasakit kaya ingat tayo palagi :) Kumusta ang weather diyan sa inyo?Mapagpalang hapon Noise fam!

@ruby0622

Fun Day ^_^ Pumunta kaming Ayala Mall Siren kanina bibili kasi si mister ng pantalon dahil nagpapalit na mga pantalon niya pangpasok sa trabaho :) Pagkatapos bumili ng pantalon nagyaya kaagad mga kiddos punta daw sa palaruan. Bago naglaro nagpicture muna sa photo booth para may souvenir sila nilagyan pa ni bunso ng mga design hindi naman maayos ang kuha niya mabuti ang ate niya nakangiti game na game talaga ang ate basta picture taking hindi kagaya kay bunso :) Natapos maprint ang picture nila sa photo booth naglaro na sobrang enjoy sila sa air hockey sa sobrang saya sa paglalaro umiyak na ang ate dahil natalo ni bunso madaya daw kasi ang bunso :) Mabilis kasi magtampo ang ate may pinagmanahan haha kahit laro lang masyadong competitive. Kaya tumigil na sila at lumipat sa bowling dito rin sila tumagal sa paglalaro mas nagustuhan nila. Pagkatapos magsawa sa kakalaro nagyaya kakain na daw sila. At nung tinanong saan kakain sabay sabi sa jobee :) Dito na kami naghapunan burger steak lang solve na ang dinner ko. Sa dalawang makulit parehas kami ng meal may burger at fries lang Kay bunso. At si ate niya may spaghetti paborito niya at fries din. Si mister diet daw burger lang sa kanya :D Pag uwi namin maulan na kanina pag-alis namin makulimlim lang. Mag-iingat po ang lahat na nasa biyahe dapat magdala palagi ng payong tag-ulan na talaga ngayon. Mapagpalang gabi Noise fam!

+2 more

@ruby0622

Pansit Bato/Pritong Manok Late na ang dinner nabusog kasi sa meryenda kanina na pansit walang ibang gulay repolyo lang mas masarap sana kung may karots at beans tamad ng pumunta sa tindahan ng mga gulay may kalayuan kasi. Masarap parin naman ang luto ko :) Hanggang ngayon busog pa ako sa pansit na kinain late na kasi ang meryenda mag alas singko na ng hapon. Nagluto lang din ako ng pritong manok requested ng mga kiddos. Pinakuluan ko muna bago iprito para malambot makakain ang Lola. Basta chickenjoy happy mga batang makulit halos lahat ng bata paborito :) Sa susunod na Linggo na daw kami uuwi ng bahay ayaw pang umuwi ng dalawang anak ko wala pa naman daw pasok dito daw muna sila kay Lola at Lolo. Pinagbigyan nalang kasi kapag pasukan na hindi na makapunta dito. Maganda ang panahon ngayong araw hindi umulan kaya si bunso nagyaya na punta na daw kami sa Zoo kasi hindi na naulan haha. Mabuti hindi na nangulit sinabi kong sa Sunday na para tamang-tama magaling na ubo nila ng ate niya :) #Dinner

@ruby0622

Dinner Time Naghatid ang tita ni mister dito sa mga biyenan ko ng sinabawan na iba't ibang seafood. Tamang-tama prito ang ulam namin. Masarap lang dito yung sabaw niya ang hirap din kasi dukutin ng laman ng shell ayaw magpakain nagtatago haha. Paambon-ambon lang ngayong araw tapos biglang umulan ngayong gabi. Tamang-tama yung sinabawan na binigay sarap ng higop sa sabaw malamig ang panahon. Medyo sosyal rin itong seafoods na sinabawan may pusit pa at alimasag ang tataba pa ng alimasag. Sabi ng biyenan kong babae hindi raw magandang ulam itong shells sa gabi kasi matagal daw matunaw. Kaya sabaw lang sila ako lang todo kain dati naman kasi kabataan ko pa lagi din namin itong ulam kahit gabi pero okay naman tiyan namin nasanay siguro kaya kampante akong kumain ng madami :) Happy dinner! Kumusta weather diyan sa inyo tag ulan na talaga Kaya mag-iingat po ang lahat ng bumibyahe. Mapagpalang gabi Noise fam!

@ruby0622

Maulan na hapon Biglang bumuhos ang malakas na ulan araw-araw ng umuulan mabuti nalang may masampayan dito sa loob ng furniture shop ng aking mga biyenan automatic din washing nila kaya naka spin ang mga nilabhan kaya mabilis matuyo kaunti lang kasi dala naming damit ng mga bata. Naghihintay ng customer habang naglalaba kapag ganitong panahon bihira lang talaga ang customer walang namamasyal masyado. Tinatamad na naman akong maligo balak ko pagkatapos maglaba kaya lang sobrang lamig na naman. Kaninang umaga walang ulan makulimlim lang ngayong hapon lang biglang buhos ang malakas na ulan. Kaya hindi talaga matuloy ang plano ni bunso mamasyal ngayong araw :) Hindi n nagpumilit dahil alam naman niyang maulan :D Sabi ko Kasi maysakit si Lolo walang driver sabi naman niya magdyip nalang daw kami haha paggising kaninang umaga sabi napanaginipan daw niyang pumunta kami sa Zoo sa sobrang excited nanaginip na haha. Mapagpalang araw sa ating lahat. Mag-iingat ang mga nasa biyahe. Stay safe and God Bless!

@ruby0622

Mapagpalang gabi Noise fam! Ang bilis ng araw weekend na naman tag-ulan na talaga ngayon araw-araw ng umulan. Kaya mas lalong malamig dito sa Tagaytay nakakatamad tuloy maligo sa lamig hindi pwede walang mainit na tubig :) Nagyaya si bunso sa Lola na mamasyal daw sa Zoo bukas kaya lang maysakit ang Lolo walang driver. Si bunso at ate rin niya may ubo at sipon siguro sa lamig ng klima dito nanibago ang katawan nila. Nilagnat pa ang panganay ko kagabi mabuti nalang pagkatapos makainom ng gamot nawala kaagad. Thank you Lord! Share ko lang ang alagang pusa ng mga biyenan ko habang kumakain kami nakaabang din siya. Parang gutom na gutom kaya inabutan ko ng pagkain :) Nakakatuwa behave lang din ang pusa na'to naghihintay lang na bigyan siya ng pagkain. Kaya tuwang-tuwa mga anak ko may pet din sila dito mahihilig kasi sila sa pusa halos magkaparehas pa sila ng kulay sa alagang pusa nila sa bahay na si Owen :) Ang pangalan naman nito ay si Orangee ang lusog rin ng pusa nato dami Kasi silang pagkain dito hehe. Kumusta kayong lahat? Pasensya na naging abala lang kaya ngayon ko lang nakabisita. Have a blessed weekend to all!

@ruby0622

Jobee for dinner Tinamad na magluto ng hapunan kaya bumili nalang ng maiulam at dahil gusto ng mga bata ng chickenjoy hindi yata sila magsasawa kahit ganito ulam araw-araw :) Kaya pumunta kami sa Ayala mall doon lang pinakamalapit na jobee. Wala na sanang plano na bumaba ng sasakyan nakapambahay lang kami pero nangungulit ang dalawang batang makulit gusto pa sumama sa daddy nila kaya napasama narin ako, kasama lagi ang yaya nila haha. Habang naghihintay ng order ang daddy nila picture muna ang mga makukulit kahit hindi nakabihis ng maayos :) Kumusta buong araw nyo Noise fam? Nawalan ng kuryente dito kaninang umaga bumalik alas tres na ng hapon. Mapagpalang gabi sa inyong lahat.

+1 more

@ruby0622

Lunch Time Ang sarap ng ulam kapag gulay gaganahan Ka talagang kumain kung veggie lovers ka pero sa mga meat lovers hindi makarelate :D Walang mobile palengke na dumaan kaya bumili nalang ng gulay medyo malapit dito sa furniture shop ng aking mga biyenan. May kaunting hipon silang natira sa ref yun lang ang sahog walang karne Kaya nagreklamo mga mahihilig sa karne itong mister ko at mga hipag :) Masarap din naman maraming butter ginamit panggisa kaya kahit walang karne malasa na siya ang sarap ng sauce. Mas masarap sana kung half cook lang pero nahirapan biyenan kong babae kaya dapat overcooked para makakain niya :) Happy Lunch Noise fam!

@ruby0622

Travel to Tagaytay Kararating lang namin dito sa Tagaytay naabutan pa kaming ulan mabuti parating na kami si bunso kasi ayaw parin isarado ang bintana ng sasakyan mabuti hindi ganun kalakas ang ulan masusuka daw talaga siya kapag nakasarado. Sa awa ng Diyos hindi si bunso sumuka pero ang ate hindi nakatiis kung kailan malapit na bumigay pa :) Medyo malakas na ang ulan ngayon dito kaya ang lamig ng weather. Habang naghihintay kami ng order sa mcdo picture muna ang dalawang chikiting ko :) Parehas itong dalawa gusto sa may bintana malapit nakaupo at kailangan bukas pa ang mga bintana kahit naka-aircon ang sasakyan :) no choice ang Lolo at Lola kundi pagbigyan mga apo :D Naging abala ako kahapon sa paglalaba hanggang ngayon hindi pa nakatuyo ng mga nilabhan tuwing hapon na kasi umuulan. Kaya nakasampay nalang sa loob ng bahay. Tapos ngayong araw nag-aayos ng mga cabinet ang gugulo ng mga damit tapos biglang dumating ang Lolo at Lola pinasama kami dito sa Tagaytay habang wala pa daw pasok mga bata. At gustong-gusto naman ng dalawa spoiled Kay Lola dito eh :D Kumusta kayo Noise fam? Mapagpalang araw sa ating lahat. Stay safe and God Bless! #SafeTravel #ThankYouLord

+1 more

@ruby0622

Jobee Dinner/Meryenda Napakagenerous talaga ang mga biyenan ko sa kanilang mga apo kaya damay kami lagi sa pagkain kapag bumibili sila para sa mga bata :) May deniliver silang items ng furniture shop nila at madadaanan dito sa bahay kaya pinasundo nalang sa gate ng subd. ang meryenda ng mga apo :) Nagmamadali kasi sila uuwi pang Tagaytay pagkaabot ng snacks at dinner ng mga bata umalis na kaagad. Isang maulan na araw ngayon kaya ang sarap lang kumain at matulog :D Pagkatapos ng church service kanina pauwi na kami biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti nalang may dala akong payong palagi kaya nakauwi parin hindi na-stranded :) Hanggang ngayon tuloy-tuloy parin ang ulan pero mahina nalang. Mag-iingat ang lahat lalo na ang mga nagbabyahe. Have a great and blessed weekend Noise fam! God Bless.

@ruby0622

Owen Takot ^_^ Mapagpalang araw ng Sabado sa ating lahat. Biglang umulan ng malakas ngayon hapon mabuti nakatuyo na ako sa mga nilabhan ko kahapon. Natawa ko dito sa alagang pusa ng mga anak ko si Owen natakot kanina sa malakas na kulog. Kaya biglang natago dito sa may pintuan. Natakot rin siguro siya mabasa sa ulan kaya rin nagtago :) Nasipon pa naman ang pusa nato kaya hindi pwede maulanan haha. Baka may ideya kayong gamot paano mawala ang sipon ng mga pusa?medyo matagal ko ng napansin ang sipon niya hindi parin nawawala. Kaya hindi ko rin pinapalapit masyado ang mga bata mahirap na mabuti ng mag-iingat tayo. Pero hindi talaga maiwasan nilalaro nila mag-ingat nalang kapag nagbahing siya. At mag alcohol nalang kaagad pagakatapos nilang hawakan. Sa inyo kumusta ang weather?sa ngayon wala ng ulan dito. Paiba-iba talaga ang panahon kaya doble ingat po ang lahat. Enjoy your weekend.

@ruby0622

Bunso Hobby Isang mapagpalang gabi Noise fam! Naging abala ako ngayon araw laba dami day hinati ko lang ang labahin sobrang dami kukulangin ang hanger kapag nilabhan ko lahat kaya sa Lunes na ang iba :) Maulan pa kaninang umaga mabuti sa hapon maaraw na kaya medyo nakatuyo rin sampay nalang uli bukas. Natutuwa lang ako kay bunso hindi nya alam kinukuhaan ko siya ng litrato ayaw kasi niyan may magpicture sa kanya habang gumuguhit nadidistract yata siya hehe. Ito talaga ang libangan niya kapag hindi sila naggagadyet ng ate niya ang pagguhit. Ang ate niya naman niya pagbabasa o laruin ang mga barbie niya :) Si bunso paggising sa umaga kuha kaagad ng bond paper at magguhit siya hindi pa kasi ako nakabili ng drawing book. Maaga kasi siya nagigising minsan nauuna pa sa akin haha akala mo naman siya ang magluluto ng almusal :D kabaligtaran naman sa ate niya ang tagal gumising :) Mas nakakatuwa kapag ganyan ginagawa kaysa maggadyet. Sinasabihan ko nga si bunso na aralin na niya multiplication 1 hanggang 10 mag-grade 3 na kasi siya sa pasukan hanggang 6 pa lang alam niya sa multiplication table. Si ate niya kabisado na lahat kaya na-challenge din siya dapat marunong na daw din siya :) Maaga kasi ito nag-aral si bunso hindi kagaya sa ate niya sakto sa edad. Sa darating na Setyembre mag-walong taon na siya ang bilis ng panahon malaki bunso ko :) big girls na mga bebe ko. Praise God! Kumusta buong araw nyo noisemates? Stay safe kayo and God Bless!

@ruby0622

Throwback Thursday ^_^ Ito yung una at huling beses manood ng sine mga chikiting ko nasa Tagaytay kami nito sa Lolo at Lola nila. Sobrang nag enjoy sila sa pinapanood nila na palabas "Frozen II". Halos lahat yata ng bata gusto ang movie na'to lalo na mga bebe girls :) Ang ingay nga nila nanood nakakatuwa rin kasi nakakaintindi na sila sa pinapanood at panay ang react lalo na bunso ko :D Hindi na uli nakapanood ng sine lalo na sa panahon ngayon kailangan yata vaccinated ang mga bata. Ayaw pa kasi namin silang pabakunahan saka na siguro at ayaw rin talaga ng mga bata magpabakuna kailangan rin natin irespeto ang desisyon ng mga bata :) Happy and Blessed Thursday Noise fam! Stay safe ang lahat.

@ruby0622

Happy Lunch Namimiss ko ang lumpia kaya ito naisipan lutuin na ulam ngayong lunch hanggang dinner na yan :) Bumili lang akong giniling halagang isang daan at tatlong karots mas masarap kasi kapag maraming karots. Ang ganda rin ng lumpia wrapper mahahalata mong bago ang bango niya :) Kinulang ng wrapper kaya pinrito ko nalang ang sobra nilagyan ko lang ng crispy fry. Bumili rin akong isang balot ng pangpakbet na gulay halagang bente pesos para may gulay naman. Walang sahog na karne puro gulay lang nilagyan ko lang ng pork cubes at fish sauce para malasa. Ang sarap na rin busog lusog na ang pananghalian namin mag-iina. Kumusta kayong lahat? Napakainit na naman ng weather ngayon. Kaya inom tayo palagi ng maraming tubig. Blessed day Noise fam!

@ruby0622

Pasta Cheese & Broccoli Naghahanap ako ng makakain nakakagutom magtupi kaytagal na itong tupiin ko ngayon lang naasikaso. Sa isang linggong labahan kaya sobrang dami din ang tupiin :) Nakita ko itong binigay ng kaibigan ko na pasta matagal na itong stock ngayon ko lang naluto, tikman natin kung masarap. Sinunod ko lang instruction sa likod magpakulo lang naman ng tubig at gatas tapos kaunting butter kapag kumulo ilagay ang pasta. Hintayin lang ng limang minuto haluin paminsan-minsan. Ang sarap nagustuhan ng mga anak ko hanggang tikim lang talaga ako kaunti lang nakain ko halos naubos ng mga kiddos :) kahit nagmeryenda na silang biscuit may stock kasi silang nakakain para hindi na pabili-bili sa tindahan kung gusto nila ng makakain. May isang pack pa nito bukas ko nalang lutuin :) Sobrang init ng panahon ngayong araw hindi naman nakaulan akala ko uulan makulimlim kasi kanina at kumukulog pa, kaya ang alinsangan tuloy. Happy and Blessed Monday Noise fam! #SnackTime