Coffee Time Dahil maulan na hapon masarap magkape. May binigay sa akin ang kaibigan ko na Cadbury parang hot choco pinadala daw ito ng bf niyang foreigner :) Medyo matagal na niya itong binigay ngayon ko lang naisipan itry parang masarap siya ngayong malamig ang panahon. Pero nung tinimpla ko na hindi ko gusto ang lasa pati amoy ayaw ko rin parang naglilihi lang haha. Pinatikim ko Kay bunso Kung gusto niya ayaw niya rin. Bakit naman kasi ganun ang ganda ng hitsura ng hot choco sa karton niya tapos hindi naman ganun nung natimpla na :) Kaya nagtimpla nalang ako ng kape dinamihan ko ng kape at kaunting creamer lang at asukal. Bihira lang akong magkape kapag hapon madalas sa umaga lang pero kapag ganitong maulan masarap talagang magkape :) Medyo malakas ang ulan at mahangin dito sa lugar namin doble ingat po tayong lahat.
6 comments
wow. enjoy it dear
ganyan talaga ang business ahhaha sarap na sarap yung advertisement at yung mga nakalagay sa karton pero malayong malayo sa actual na itsura at lasa ahhaha pero parang masarap naman ata yan papakin nalang, wag na inumin hahaha mahilig pa naman ako mag papak ng milo kahit ngayon siguru malaki na ako hahah
Kaya nga ang ganda ng pinakita sa cover pero hindi naman totoo :) walang uminom nasayang lang ayaw din ng mga kiddos. Ewan ko lang kung masarap yun papakin kagaya sa milo.
Kasi kong chocolate yan it means masarap yan kong ilalagay sa freezer tapos pag tumigas. Saka nyo na kainin na parang chocolate talaga hahah
Ang chocolate mas gusto kong tinitimpla sa cold water nauumay ako pag hot choco mas sanay din s ako sa coffee/milk tama ingat at huwag magpaulan kundi maiwasan derecho na maligo sabay inom ng paracetamol.
Tinry ko lang itong binigay sa akin sis parang ang sarap kasing tingnan yung nasa larawan ng karton hehe. Kaya nga sis, doble ingat mahirap magkasakit.