read.cash Log in
@ruby0622

First day of face to face Class Pagkatapos ng dalawang taon na online class nakapagface to face na rin. Ito ang unang araw ng aking panganay sa kanilang batch na pumasok sa paaralan kaya excited siya kanina :) Sa una at pangalawang larawan ay ang paghatid ko sa kanilang room. Ang oras ng pasok niya ay 10am-2pm mas gusto ko na rin ganitong schedule kasi hindi siya mapilitan gumising ng maaga. Pagpasok nila sa room ay magdisinfect muna bago umupo sa kanilang upuan. Hindi pa ako nakabili ng uniform wala pang badyet hindi naman required pero mas maganda parin talagang nakauniform sa sunod na sahod na siguro unahin muna ang bag nila ni bunso. Ang dala na bag ng panganay ko kanina nung grade one pa siya niyan hindi na bagay sa kanya kaya lang wala pang magagamit na iba :) Sa pangatlo at panghuling litrato ang pagsundo ko naman dumating ako sa paaralan wala pang alas dos pero nasa labas na siya ng room naghihintay napaaga uwian nila. Sabi naman niya, It was great and fun daw first day of school niya sa Wednesday and Thursday daw uli sila papasok. #FirstDayOfSchool

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.