Mga Batang Mahilig sa Pusa ^_^ Tuwing paggising sa umaga pupunta kaagad sa likod ng bahay ang dalawang chikiting ko lalo na si bunso nandun kasi nakatambay ang mga pusa ng kapitbahay. Ang ganda ng kuha ni bunso at muning parehas silang nakatingin:D Pagkatapos nilang maligo kanina makipaglaro na naman tuwang-tuwa talaga mga yan sa pusa lalo na sa mga kittens :) Ito kagigising lang ni bunso nakikipaglaro na naman sa pusa gusto niya talaga silang himas-himasin :) Kaya sinasabihan ko pagkatapos maghawak ay mag alcohol kaagad para iwas sa sakit. Napakahilig talaga nila sa pusa kaya gusto na ni bunso umuwi sa bahay dahil namimiss na daw niya ang alagang pusa na si Owen wala na daw nagpapakain doon haha. Ang ate naman gusto pa magstay muna dito sa Lolo at Lola niya. Sa susunod na Linggo pa daw kami ihatid sa bahay masyadong busy pa sila dito sa shop. Kaya bihira lang din akong makagamit ng selpon nakakahiya naman kasi kung abala sila tapos dotdot lang ako ng dotdot haha. Mapagpalang Araw Noise fam! #Caturday
2 comments
Iwas lang kay miming pag bad mood si miming ha. Hehe baka makagat kayo.
Kaya nga po alam naman nila kapag wala sa mood :) Salamat sa paalala.