read.cash Log in
@ruby0622

Dinner Time Naghatid ang tita ni mister dito sa mga biyenan ko ng sinabawan na iba't ibang seafood. Tamang-tama prito ang ulam namin. Masarap lang dito yung sabaw niya ang hirap din kasi dukutin ng laman ng shell ayaw magpakain nagtatago haha. Paambon-ambon lang ngayong araw tapos biglang umulan ngayong gabi. Tamang-tama yung sinabawan na binigay sarap ng higop sa sabaw malamig ang panahon. Medyo sosyal rin itong seafoods na sinabawan may pusit pa at alimasag ang tataba pa ng alimasag. Sabi ng biyenan kong babae hindi raw magandang ulam itong shells sa gabi kasi matagal daw matunaw. Kaya sabaw lang sila ako lang todo kain dati naman kasi kabataan ko pa lagi din namin itong ulam kahit gabi pero okay naman tiyan namin nasanay siguro kaya kampante akong kumain ng madami :) Happy dinner! Kumusta weather diyan sa inyo tag ulan na talaga Kaya mag-iingat po ang lahat ng bumibyahe. Mapagpalang gabi Noise fam!

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.