Mapagpalang gabi Noise fam! Ang bilis ng araw weekend na naman tag-ulan na talaga ngayon araw-araw ng umulan. Kaya mas lalong malamig dito sa Tagaytay nakakatamad tuloy maligo sa lamig hindi pwede walang mainit na tubig :) Nagyaya si bunso sa Lola na mamasyal daw sa Zoo bukas kaya lang maysakit ang Lolo walang driver. Si bunso at ate rin niya may ubo at sipon siguro sa lamig ng klima dito nanibago ang katawan nila. Nilagnat pa ang panganay ko kagabi mabuti nalang pagkatapos makainom ng gamot nawala kaagad. Thank you Lord! Share ko lang ang alagang pusa ng mga biyenan ko habang kumakain kami nakaabang din siya. Parang gutom na gutom kaya inabutan ko ng pagkain :) Nakakatuwa behave lang din ang pusa na'to naghihintay lang na bigyan siya ng pagkain. Kaya tuwang-tuwa mga anak ko may pet din sila dito mahihilig kasi sila sa pusa halos magkaparehas pa sila ng kulay sa alagang pusa nila sa bahay na si Owen :) Ang pangalan naman nito ay si Orangee ang lusog rin ng pusa nato dami Kasi silang pagkain dito hehe. Kumusta kayong lahat? Pasensya na naging abala lang kaya ngayon ko lang nakabisita. Have a blessed weekend to all!
3 comments
Nasa tagaytay ka pala ano sis, para mangangatak ka dyan sa lamig lalo. Hehee.
Sobrang lamig nga sis Kaya siguro inuubo at sipon mga anak ko nanibago sa Klima dito. Nandito Kasi ang Lolo at Lola Kaya bakasyon daw muna habang wala pang pasok.
Ang lamig talaga dyan sis.. kasi dito nga lang samin, sobrang lamig ngayon. Doble jacket na Lang kayo sis. Magandang umagà