Owen Takot ^_^ Mapagpalang araw ng Sabado sa ating lahat. Biglang umulan ng malakas ngayon hapon mabuti nakatuyo na ako sa mga nilabhan ko kahapon. Natawa ko dito sa alagang pusa ng mga anak ko si Owen natakot kanina sa malakas na kulog. Kaya biglang natago dito sa may pintuan. Natakot rin siguro siya mabasa sa ulan kaya rin nagtago :) Nasipon pa naman ang pusa nato kaya hindi pwede maulanan haha. Baka may ideya kayong gamot paano mawala ang sipon ng mga pusa?medyo matagal ko ng napansin ang sipon niya hindi parin nawawala. Kaya hindi ko rin pinapalapit masyado ang mga bata mahirap na mabuti ng mag-iingat tayo. Pero hindi talaga maiwasan nilalaro nila mag-ingat nalang kapag nagbahing siya. At mag alcohol nalang kaagad pagakatapos nilang hawakan. Sa inyo kumusta ang weather?sa ngayon wala ng ulan dito. Paiba-iba talaga ang panahon kaya doble ingat po ang lahat. Enjoy your weekend.
4 comments
Hehe ang cute sissy takot talaga mga pusa sa ulan iwan ko kung bakit noh kaya yong pusa din namin ganyan nagtatago kawawa naman si owen sissy
Kaya nga sissy takot kasi sila sa tubig kaya takot sila mabasa hehe.
Awa ng dios sigeh parin ang ulan kelan kaya titigil ang pagngawa nya
Maulan pala diyan sa inyo sis...dito hindi naman palagi saglit lang kung umulan. Ingat kayo diyan sis.