Ulam for Lunch Hindi na ako nakapamalengke kanina ng uulamin namin sa pananghalian kaya kung anong stock na maiulam ito nalang niluto ko. Nagrequest pa itong panganay ko ng salmon belly na sinigang sa miso paborito niya kasi yun. Kaya lang medyo tanghali na nagising wala akong maayos na tulog minomonitor ko ang panganay kong nilalagnat. Praise God kaninang umaga paggising wala na siyang lagnat normal na ang init ng balat niya. Kaya nakapasok siya sa online class nila kaninang alas diyes. Wala Kasi akong thermometer kaya hindi ko ma-check ang temperature niya. Praying talaga gumaling na siya. Nabago pa naman ang face to face pasok nila instead na Friday sa Thursday na. Nagluto nalang akong chicken nuggets at spam paborito rin naman nilang magkakapatid yun nga lang walang sabaw na mahigop. Ayaw rin naman nila ng ampalaya. Kaya sa akin yan, pure ampalaya lang yan walang sahog nilagyan ko lang kaunting toyo masarap parin naman fave Ko rin ito na gulay. Hindi lang namana ng mga anak ko ayaw talaga nila sobrang mapait daw :) Kumusta ang weather diyan sa inyo? Dito paambon ambon at medyo mahangin rin. Mag-iingat po tayo palagi lalo sa naapektuhan ng bagyo doble ingat po kayo at maging handa. Blessed Tuesday Noise fam!
2 comments
pwede pala igisa lang yang ampalaya sissy kahit wala sahog noh
Pwede naman sis madalas ganun ginagawa ko mas gusto ko rin ganito pure lang kaysa may itlog.