Pasta Cheese & Broccoli Naghahanap ako ng makakain nakakagutom magtupi kaytagal na itong tupiin ko ngayon lang naasikaso. Sa isang linggong labahan kaya sobrang dami din ang tupiin :) Nakita ko itong binigay ng kaibigan ko na pasta matagal na itong stock ngayon ko lang naluto, tikman natin kung masarap. Sinunod ko lang instruction sa likod magpakulo lang naman ng tubig at gatas tapos kaunting butter kapag kumulo ilagay ang pasta. Hintayin lang ng limang minuto haluin paminsan-minsan. Ang sarap nagustuhan ng mga anak ko hanggang tikim lang talaga ako kaunti lang nakain ko halos naubos ng mga kiddos :) kahit nagmeryenda na silang biscuit may stock kasi silang nakakain para hindi na pabili-bili sa tindahan kung gusto nila ng makakain. May isang pack pa nito bukas ko nalang lutuin :) Sobrang init ng panahon ngayong araw hindi naman nakaulan akala ko uulan makulimlim kasi kanina at kumukulog pa, kaya ang alinsangan tuloy. Happy and Blessed Monday Noise fam! #SnackTime
3 comments
Sa lahat ng gawain ko, yan ang kinaiinisan ko sis. Haha. Mabuti yan may libangan ka habang nagtutupi. Iwas antok yan. Haha
Lasang cheese ba sis hehe nakikita ko ganyan sa carbonara ba yun kasi parang plain lang din siya
Parang carbonara lang ang lasa nga sissy pero lasang lasa din ang cheese kaya nagustuhan ng mga kiddos.