Jobee for dinner Tinamad na magluto ng hapunan kaya bumili nalang ng maiulam at dahil gusto ng mga bata ng chickenjoy hindi yata sila magsasawa kahit ganito ulam araw-araw :) Kaya pumunta kami sa Ayala mall doon lang pinakamalapit na jobee. Wala na sanang plano na bumaba ng sasakyan nakapambahay lang kami pero nangungulit ang dalawang batang makulit gusto pa sumama sa daddy nila kaya napasama narin ako, kasama lagi ang yaya nila haha. Habang naghihintay ng order ang daddy nila picture muna ang mga makukulit kahit hindi nakabihis ng maayos :) Kumusta buong araw nyo Noise fam? Nawalan ng kuryente dito kaninang umaga bumalik alas tres na ng hapon. Mapagpalang gabi sa inyong lahat.
5 comments
kahit siguro ako hahaha di talaga ako mag sasawa kasi since day 1 laking jolibee na talaga ako hahaha kahit nung 1 yr old palang ako madami na akong picture na kumakain ng jolibee hahahaha tapos 26 na ako ngayon hahhaha
Paborito talaga ng mamamayang pilipino si chickenjoy jobee bata man o matanda :) nung bata kasi ako wala pang jobee nun sa probinsya namin kaya ngayon matanda na ako saka pa lang nakilala si jobee :D
Hahaha wala din sa probinsya namin kaso yung probinsya namin katabi lang yung city. Isang sakayan lang ng jeep hahah Naaalala ko noon . Dalawang box ng laroan ang meron ako galing sa mcdo at jobe.. Pagandahan pa ng laroan noon ang jobe at mcdo.. ngayon di na sila ganun kasi di na mahilig ang mga bata sa laroan.. gadget na.
keri lang yan kahit nakapangbahay basta mahalaga bibili ng foods yung iba nga todo porma wala naman pambili hehehe dito naman minsan lang mawalan ng kuryente kung mawawala man mga ilang minuto lang babalik agad.
Tama sis basta may pambili naman keri na hehe. Dito sa mga biyenan ko sis lagi daw nawawalan ng kuryente at yung internet nila ganun din. Stay muna kasi kami dito sa lolo at lola habang wala pa daw pasok mga apo.