read.cash Log in
@ruby0622

Maulan na hapon Biglang bumuhos ang malakas na ulan araw-araw ng umuulan mabuti nalang may masampayan dito sa loob ng furniture shop ng aking mga biyenan automatic din washing nila kaya naka spin ang mga nilabhan kaya mabilis matuyo kaunti lang kasi dala naming damit ng mga bata. Naghihintay ng customer habang naglalaba kapag ganitong panahon bihira lang talaga ang customer walang namamasyal masyado. Tinatamad na naman akong maligo balak ko pagkatapos maglaba kaya lang sobrang lamig na naman. Kaninang umaga walang ulan makulimlim lang ngayong hapon lang biglang buhos ang malakas na ulan. Kaya hindi talaga matuloy ang plano ni bunso mamasyal ngayong araw :) Hindi n nagpumilit dahil alam naman niyang maulan :D Sabi ko Kasi maysakit si Lolo walang driver sabi naman niya magdyip nalang daw kami haha paggising kaninang umaga sabi napanaginipan daw niyang pumunta kami sa Zoo sa sobrang excited nanaginip na haha. Mapagpalang araw sa ating lahat. Mag-iingat ang mga nasa biyahe. Stay safe and God Bless!

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.