Homemade Burger Steak
Ang simpleng ulam ngayong pananghalian ulam burger steak niluto ni mister :) Naggisa lang daw siya ng bawang at mushroom bumili ng isang lata hindi na sinama ang sabaw maasim kasi yun. Ginisa niya sa butter pagkatapos ilagay ang tinunaw na harina at nilagyan ng beef cubes isang piraso para mas malasa at masarap may kaunting toyo rin para magkulay brown ang sauce :)
Tuwang-tuwa naman ang dalawang girls namin ang sarap daw lasang jobee ang burger steak na niluto ng daddy nila. Kaya happy rin ang daddy nila kasi nagustuhan ng mga bata ang simpleng recipe niya :)
Have a blessed Sunday Noise. Enjoy your day and stay safe. God Bless us all!
Simple Snack
Nagpaluto kanina mga dalaginding ko ng bananacue mas makatipid rin kasi kapag magluto nalang kaysa bumili isang stick nasa kinse pesos na tapos dalawang saging lang na maliliit. Mas masarap pa kapag ako nalang magluto haha yun sabi ng mga anak ko :) binobola pa ako haha mas masarap nga naman kainin kapag mainit init pa :)
Naging abala rin sa araw na'to kaya pasilip-silip lang dito. Daming pinagkaabalahan at mamaya kaunti aalis naman puntang church may praktis ng kanta para bukas (Sunday service). Walang maiwan sa dalawang anak ko kaya isasama ko mamayang 10pm pa out ni hubby sa work. Hindi ko pwedeng iwanan sila dito sa bahay dahil gabi na at baka matagalan kami sa praktis madalas 8:30pm na kami natatapos.
Kumusta ang araw nyo Noise fam! Ang bilis ng araw weekend na kaagad. Isang mapagpalang araw ng Sabado at mag-iingat tayong lahat.
Throwback Friday!
Mapagpalang gabi Noise fam! Pasensya na kayo naging abala lang kahapon at ngayong araw kaya ngayon lang nakabisita sa inyo. Naglinis kasi ng bahay kahapon dahil day off ni mister para may katulong akong maglinis dami kasing nakatambak na bagay na hindi naman ginagamit. Kailangan ng itapon o ipamigay kaya medyo lumuwag na after namin maalis ang mga nakatambak. Kaya maaga natulog kagabi medyo napagod at ngayong araw laba dami naman mabuti nalang umaraw nitong hapon medyo nakatuyo rin :)
Nakaisang taon na pala itong grocery ko gamit lyka gems sa lyka mall. Sana bumalik na nakakamiss rin magshopping tapos free delivery hatid na pintuan mo hehe. Nakatatlong beses lang akong nakapaggrocery hindi na naulit nakakamiss lang :)
Ang ganda ng mga ngiti ng mga dalaga ko dito paggising nila marami na silang meryenda halos snacks lang nila yan nag-istock kasi akong meryenda nila para hindi pabili-bili sa tindahan. Kaya tuwang-tuwa dami silang snacks :)
Kumusta kayong lahat? Stay safe and God Bless!
#AYearAgo
#LykaMallGroceries

Pasalubong ^_^
Nakabisita ang aking mga biyenan galing Tagaytay kaninang umaga at nakakatuwa may dala uli silang karneng baka at may pa-breakfast din galing kay jobee :) Dalawang kilo ng karneng baka ang dala nila tig-isang kilo ng buto-buto at pangsteak.
Nakatipid kami sa badyet at masarap pa ang ulam, mga gulay nalang binili ko dinamihan ko na ng gulay ang Nilagang baka. Makakatikim lang talaga kami ng ulam na karneng baka kapag nagdala mga in-laws ko :) Hinati ko sa dalawang lutuan ang karneng buto-buto at pangsteak stock lang muna sa freezer masyadong marami ang isang kilo para sa amin. Ang ganda pa ng karne hindi siya malitid lalo na yung laman o pangsteak. Ang generous talaga ng mga biyenan ko kaya tuwang-tuwa mga kiddos kapag nandito sila binibigay kasi agad kung anong gusto o hinihingi nila :)
Happy Lunch Noise fam. Have a great and blessed day!
Household Chores
Ito ang aking bunso tinuturuan kong gumawa ng mga gawaing bahay. Dahil bakasyon na at walang pasok dapat matuto na kahit sa simpleng paghugas ng mga pinggan. At nag enjoy naman siya sa kanyang ginagawa habang naghuhugas siya binabantayan ko naman kung maayos ba pagkahugas :)
Kahit naka apron na basa parin ang sando niya hehe. Hinahayaan ko nalang basta matuto lang. Palitan sila ng ate niya sa paghuhugas kada araw tuwing tanghali ang schedule nila, ako naman sa gabi :)
Kaya lang ang gastos ng tubig kapag sila naghuhugas haha. Tinuturuan ko ngang wag itodo ang bukas ng gripo nahirapan pa si bunso magkontrol kaya basa rin ang damit pagkatapos maghugas :)
Kumusta kayo Noise fam? Katatapos ko lang namalantsa ng mga damit ni mister at kaninang umaga naglaba rin kusot-kusot lang mga kurtina at sapin sa upuan sinipag ako ngayong araw haha.
Mapagpalang araw sa ating lahat. Stay safe and God Bless!
Tinolang Manok may Tanglad
Nakapananghalian naba ang lahat kami katatapos lang din :)
Ito naisipan kong ulam na lutuin ngayon para makahigop ng chicken soup si mister. Nilagnat kasi kahapon mabuti nalang nung ininuman ng paracetamol medyo bumuti ang pakiramdam pero may sinat parin at walang gana kumain kahapon biscuit lang kinakain at tinapay.
Mabuti nalang dito lang sa bahay schedule niya sa work kahapon kaya nakapagtrabaho parin kapag hindi busy nakakahiga siya kaya maganda rin talaga work from home tipid pamasahe at baon nakakarelax pa kapag hindi busy :)
Ngayon magaling na si mister salamat sa Diyos sa healing, kaya nagluto ako nitong tinolang manok para makahigop siya ng sabaw at marami rin malunggay na stock sa ref yung dinala ng kapatid ko baka masira kaya kailangan ng mailuto. Nilagyan ko na rin ng tanglad medyo lumago na ang tanim ko at dinamihan ko rin ng luya.
Happy lunch Noise fam! Stay safe and have a blessed day to all.
Happy and Blessed Sunday!
Itong araw ang selebrasyon ng church sa ika-28th years na katapatan ng Diyos. Kanina po itong umaga at halos kakauwi lang din namin may kaunting salo-salo pagkatapos ng gawain ni Lord doon na ang pananghalian ng lahat ng dumalo.
Kaya maraming ligpitin kailangan pagtulungan at picture taking na rin pagkatapos hehe.
Papuri sa Diyos sa katagumpayan ng Kanyang gawain! All the Glory and Honor belongs GOD!
Hope you enjoy your weekend filled with God's grace and love!
Stay blessed and safe Noise fam.
Owen my Girls Pet
Isang mapagpalang araw ng Biyernes sa ating lahat. Naging abala ako nitong mga nakaraang araw kaya ngayon lang nakabisita :)
Natatawa lang ako dito sa alagang pusa ng mga anak ko pangalan niya si Owen yan pinangalan ni bunso sa kanya :) Pinapabilhan nila ito sa daddy nila ng cat food kaya dito na talaga sa bahay tumatambay. Pero hanggang sa labas lang siya ng bahay ayaw kong papasukin sa loob dahil magkalat ang balahibo pinapasok ko siya saglit lang.
At dito sa loob ng bahay may mga bubuwit na feel at home masyado nagtatakbuhan :D Kaya may nilagay kaming mouse trap para mahuli sila at may nabiktima nga kaming bubuwit nilabas ko muna.
Itong si Owen nakita niya yung bubuwit sa trap at talagang binuksan niya yun para makuha ang kawawang bubuwit.
At nung nakuha na pinaglaruan lang niya hindi naman kinain pinapatakbo tapos hahabulin niya nakita pa ng isang pusa ng kapitbahay namin kaya pinaglaruan nilang dalawa. Hanggang sa tinakbo ng isang pusa ang bubuwit hindi naman sumunod itong alagang pusa ng mga anak ko. Tuwang-tuwa naman mga anak pinapanood ang alaga nila kinuhaan pa nila ng litrato kagat-kagat si kawawang bubuwit :)
Kumusta kayo Noise fam?Kumusta ang weather diyan sa inyo dito tuwing umaga ang tindi ng sikat ng araw at pagdating hapon umuulan o makulimlim. Kaya po tayong lahat :)

Nuggets for Lunch
Isang mapagpalang araw Noise fam! Nakapananghalian naba kayo.? Wala akong maisip na ulam namin ngayon kaya nagluto nalang ako ng nuggets para sa mga chikiting ko. Nakabili ako ng ginataang puso ng saging yun na ulamin ko.
Dahil night shift si mister mamayang hapunan pa ito kakain naghihilik pa ngayon hehe. Mabuti nalang work from home lang schedule niya hirap din magnight shift papasok sa workplace wala na masyadong masakyan.
Dito ko na niluto sa air fryer less effort at nakakatipid din sa gasul dito ko na niluluto ang ibang uulamin namin wala ka pang mantika na gagamitin :)
Makulimlim uli ang panahon parang uulan ngayon. Kumusta ang weather diyan sa inyo?Mag-iingat po ang lahat.
Avocado with Milk
Naghatid ang kapatid ko ng blessings ang daming avocado na binigay. Marami daw kasi sa likod bahay nila kaya naambunan ako :) Ang ganda rin ng laman niya masarap papakin pero siyempre mas masarap kung may gatas hehe.
Kaya nilagyan ko ng condensed milk para mas enjoy siya kainin. Kaming mag-asawa lang kumain ayaw ng dalawang dalaga namin ang arte lang :) Hindi kasi nila kilala ngayon lang din ako gumawa ng ganito. Kapag sa pagkain o ulam din ganyan sila ayaw kainin kapag hindi kilala :) Marami rin ang nagawa ko halos puno rin yung lagayan ng ice cream. May isang hilaw na avocado papakin ko nalang ito kapag nahinog.
Kumusta kayo Noise fam? Hope you enjoy your weekend. Stay safe and God Bless!
Pizza for Snack ^_^
Kahapon pa ang dalawa nangungulit na gusto daw nilang pizza naniningil sa award nilang natanggap haha. Sabi ko bukas nalang dahil nandito daddy nila work from home nasa kasi ngayon ayaw pumayag na maextend na naman bukas. Kaya nagpadeliver ang daddy nila, pagkagising nila kanina hinanap kaagad ang pizza haha.
Ngayon lang din uli makapagpizza kaya tuwang tuwa sa paborito nilang meryenda :) Ito rin paborito nilang flavor cheese overload :) Deserve naman din nila bigyan ng masarap na meryenda ito na rin yung regalo namin sa karangalan natanggap nila sa pag-aaral. Hindi naman nagdemand ng iba pizza lang daw masaya na sila :)
Virtual Recognition/Releasing of
Card, Medal and Certification
Kaninang umaga ang Virtual Recognition ng aking panganay nauna yung kay bunso kahapon ng hapon. Ang ganda ng ngiti ng aking prinsesa parang kay bunso kahapon tuwang tuwa rin nakita sa telebisyon ang mukha niya haha.
Ang saya lang bilang magulang sila'y nakatanggap ng karangalan :) Nagbubunga ang pagsisikap at pagpupursige nila.
Kaya naging abala rin Kasi pagkatapos ng Virtual recognition ng aking panganay releasing of card rin nila at saka medal at certificate. Magkasabay pa ang oras ng kuhaan ng dalawa kong anak. Kailangan nakaayos o nakabihis sila kasi may picture taking sila pagbigay ng medal at certificate.
Ang gaganda ng ngiti nila sa kanilang natanggap na karangalan :)
Mapagpalang araw Noise fam! Stay safe ang lahat.
#MyPrincessesAwards
#OnlineDistanceLearning
#ProudMom
#ToGodBeTheGlory
Bunso Virtual Recognition
Ito ang araw na pinakahihintay nating mga magulang para sa ating mga anak ang kanilang tagumpay nalagpasan ang isang buong taon sa pag-aaral. Ang sarap din sa pakiramdam bilang magulang makatanggap ng karangalan ang ating mga anak.
Kahit Online Distance Learning ang kanilang pag-aaral nakakatuwa may karangalan silang natatanggap :) kahit ito'y Virtual Recognition lamang.
Congratulations to my bunso. Patuloy lang sa pagsisikap sa pag-aaral at maging mabuting bata. Proud mama here :D
Mapagpalang araw Noise fam!
#VirtualRecognition
#WithHonors
#ProudMom
#ToGodBeAllTheGlory
Nakapamasyal kami sa Lola Grande ng mga anak ko, nanay ng biyenan kong babae medyo malapit lang din ang bahay nila sa furniture shop ng mga biyenan ko sa Tagaytay Silang malalakad lang. Dahil uuwi na kami dito sa bahay kaya binisita namin ang Lola :)
Pagpunta namin nandun din pinsan nila yung nakatalikod na nakapink, baby pa ito huli nilang kita. Bumisita lang din kay Lola. Kaya natuwa pinsan nila may kausap at kalaro na siya. Kaya nalungkot nung umuwi na ang mga ate. Magkakasundo kasi sila mga inglesera haha mga anak ko kakapanood yata ng YT kaya naging inglesera kinakausap ko Tagalog o bisaya sagutin naman akong ingles haha dati kasi taglish sila ngayon naging foreigner na talaga :) Kaya napagkamalan akong yaya ng mga anak ko minsan tanong ba naman sa akin nasa ibang bansa ba daw mga magulang nila haha sinakyan ko nalang ang tanong sabi ko nalang, opo nasa ibang bansa hahaha.
Kaya tuwang-tuwa mga tita Lola (mga kapatid ng biyenan kong babae) at Lola Grande sa kanilang tatlo nag-uusap may mga accent pa kasi ang ingles nila akala mo daw mga British haha.
Nakauwi na pala kami dito sa bahay. Thank you Lord sa ligtas na biyahe nakarating kami ng payapa. Hinatid kami ng mga biyenan ko dito sa bahay at bumalik lang kaagad sila sa Tagaytay dahil busy sila may customer daw silang kausap na pupunta sa furniture shop.
Blessed evening Noise fam! Kumusta ang lahat? Stay safe.
Ready for Delivery
Medyo malayo ang may-ari ng mga furniture items na'to kung saan nila i-deliver sa maynila pa :) Ang dami rin ng inorder ng customer may kamahalan pa isang item nito kapag maraming pera talaga parang bumili lang sila ng kendi sa dami ng binili :)
Ang gaganda rin ng pinagawa nila mas gusto ko yung swing sarap diyan magrelax hehe.
Ang dalawang lounge lang naiba kulay blue pero may halo na kaunting puting kulay :) lahat kulay puti na malinis talaga tingnan kapag white ang kulay.
Kaya medyo busy kanina tumulong rin nagbalot sa mga items nakakapagod rin mag-wrap pagpawisan ka din parang nag-eehersisyo kana rin :) Praise God! Kasi kahit pandemic hindi parin nawawalan ng customer mga biyenan ko. Ang dami nilang orders na ginagawa. Kahit pandemic marami parin sagana sa pera kagaya nitong mga customer ng mga biyenan ko luho lang ito sa bahay nila kasi kung maging praktikal lang talaga hindi naman kailangan bumili ng ganito kamahal na gamit sa bahay pero dahil may sapat naman sila na badget at sagana pinansyal kaya walang problema. Pero sulit naman ang produkto nabili ng mga customer dahil magaganda at pangmatagalan talaga ang gamit :) Sila rin naman ang pipili ng kulay at design na gusto nila.
Kumusta kayong lahat?Sa ngayon ito tinabihan ko mga anak ko para makatulog kaagad ang lalaki na pero kailangan tabihan parin ng mama para daw sila makatulog kaagad :)
Have a great and blessed day Noise fam!
Sinigang sa Bangus
Nakapaglunch naba ang lahat? Katatapos ko lang magluto sa aming simpleng ulam na sinabawang maasim na bangus :)
Pumunta pa akong Tagaytay market may kalayuan din dito sa furniture shop ng mga biyenan ko isang daan pamasahe sa tricycle balikan wala kasing dumaan na mobile palengke.
Ang mamahal na talaga ng bilihin mahigit dalawang daan na kaagad isang bangus na malaki. Ito naisipan na ulamin dahil mabilis lang lutuin kaysa karne alanganin na kasi sa oras pumuntang palengke gusto rin ng mga dalaga ko sinigang ang ulam mahirap nga lang maghimay matinik ang bangus :)
Kumusta ang lahat anong ulam natin Noise fam hirap na talaga magbadget ngayon sa pang-araw araw na ulam ang tataas ng mga bilihin. Sa ngayon nandito pa kami sa mga biyenan ko wala akong problema sa badget ng uulamin hehe nagpaampon muna kami ng mga anak ko :) Sa Miyerkules pa uwi namin sa Dasma dahil kuhaan din ng card ng mga bata sa Huwebes.
Happy lunch and have a blessed day to all!
Blessed Sunday!
Nakakatuwa ang akala ko hindi mapasama sa makakakuha ng award ang panganay ko kasi walang update ang adviser niya. Sa kay bunso kasi last week lang ang announcement ng may award na estudyante parehas lang sila ng paaralan na pinasukan kaya akala ko talaga hindi siya kabilang sa may mga award. Kaya nalungkot din siya kasi si bunso meron at siya wala daw :)
Kaya tuwang-tuwa nung nalaman na mayroon din pala siyang award kahit online class lang sila nakatanggap parin ng award. Sobrang saya sa pakiramdam lalo na tayong mga magulang na makatanggap ng award mga anak natin sulit ang effort din nila sa pag-aaral at ganun din tayong mga magulang sulit ang effort sa pagtuturo at paggabay sa kanila lalo na ngayong pandemya :) Congrats sa ating lahat mga magulang na naging full time teacher sa ating mga anak ngayon pandemic. Tayo rin naman talaga first teacher ng mga anak natin ang karangalan ng mga anak ay karangalan din natin :)
Mapagpalang Linggo Noise fam! Enjoy your weekend with your family or friends. Stay safe and God Bless us all!
Party Done!
Nakakapagod rin ang dumalo sa ganitong event pero happy naman pati ang aming mga tummy :) Maraming kakanin na pagpipilian at mga ulam na masasarap hindi ko na kinuhaan ng litrato nakakahiya kasi hehe.
Naging emotional pa ang birthday celebrant, tita ni hubby dahil ang alam lang niya ay magdi-dinner lang sila tapos may pa-surprise party pala sa kanya ang mga anak Kaya naiyak talaga si tita nandun lahat ang mga kapatid niya at mama nila :) Kaya nagulat siya naka-costume pa lahat ng kamag-anak bukod sa mga kaibigan :) Ito naisipan ng mga anak ng celebrant na gawing tema sa party (Gatsby).
Sobrang saya naman magaling din yung host may pagames pa sila at nakakatuwa yung binili ko sa ukay na damit na sinuot ng hipag ko ay nanalong best costume sa mga girls, ang ganda naman kasi talagang nag-shining shimmering yung damit ni hipag haha bagay na bagay rin sa kanya :) Ang ganda pa ng premyo blender.
At dahil July na ngayon change profile na ako haha itong unang larawan naisipan kong ipalit :)
Blessed night Noise fam!Enjoy your weekend and stay ang lahat. God Bless us all!
My Girls Ready for the Gatsby Party ^_^
Akala ko bukas pa ang birthday ng kapatid ng biyenan kong babae ngayon na pala ang party. Kaya sobrang busy today naghanap din ng mga accessories sa mga girls ko.
Papunta na kami sa venue medyo malapit lang ang venue mula dito sa furniture shop ng mga biyenan ko kaya lang medyo trapik din alas singko daw mag umpisa kaya late na kami hehe. Excited na mga dalaga ko sa party haha. Siguradong mag enjoy mga dalaga ko nito minsan lang din nila makasama mga pinsan nila :)
Kumusta kayo Noise fam?Happy and Blessed Saturday sa ating lahat.
Bunso Pictorial
Pinapunta sa school ang mga estudyante na may matatanggap na award para sa kanilang picture taking. Ito ay para sa kanilang Virtual Recognition, nanghingi na yung adviser ng bunso ko before ng picture nila. Pero mas maganda daw kasi kung ulitin ang picture may photographer daw sa school na kukuha ng picture sa mga bata. Lalo na at ipa-flash sa live streaming ang picture nila sa Virtual Recognition gusto lang daw ng guro ni bunso ang the best, agree naman ako doon :)
Kaya pumunta kami ni bunso, mabuti hindi ko pa nabalik ang hiniram ko na uniform, half body lang naman kaya yung blouse lang na uniform dala ko, doon ko na pinasuot sa school dahil sobrang sikip nito pinagtiyagaan nalang wala na akong mahiraman na iba :) saka na kasi ako bibili ng uniform kapag malapit na pasukan.
Sobrang busy kahapon din dahil naglaba dami ako mabuti nakatuyo Kaya tinupi ko kanina dahil sunduin kami ng mga biyenan ko ngayon puntang Tagaytay para sa Gatsby party sa Sunday na gaganapin maging busy maging na daw sila bukas kaya ngayon na kami sunduin.
Kumusta kayo Noise fam?busy lang talaga kaya ngayon nakabisita :) Stay safe and lahat and God Bless!

Ready for Gatsby Party
Isang mapagpalang gabi sa Noise fam! Grabe sobrang pagod ko sa araw na'to. Hindi biro maghanap ng costume para sa Gatsby party na gaganapin sa darating na Linggo.
Ika-60th birthday daw kasi ng kapatid sa aking biyenan na babae sa Linggo at may surprise Gatsby party ang mga anak.
Nakahanap naman ako ng costume namin mag-iina pero grabe ang pagod ko nag iikot sa mga mall ang hirap maghanap ng damit na kumikislap at may feathers ganun kasi ang Gatsby costume kanina ko nga lang nalaman na ganun pala nagsearch pa ako hahaha.
Ang sosyal ng mga dalaga ko may bag pa silang ganito haha ang sabi kasi ng Lola bilhan daw ng bag nagbigay naman siya pandagdag sa mga bibilhin ko :) Itong hawak ko ang nabili kong sandal sa panganay ko, gusto pa nga niya itong gold na may takong talaga. Sabi ko wag yan pangdalaga na talaga yan kasi medyo mataas ang takong medyo malaki na kasi ang paa nitong panganay ko kaya doon na kami namili sa pang adult :) Itong napili ko may takong pero flat lang hindi matulis.
Ang mga damit na nabili ko pinaputulan ko pa mahaba kasi bukas daw ng hapon makukuha mabuti mabilis lang makukuha kaagad kinabukasan wala masyadong gawa ang mananahi namin na kapitbahay :)
Upcoming Virtual Recognition
Gumawa ng bagong GC ang adviser ng aking bunso para sa upcoming Virtual recognition sa mga pupils na may academic excellence award. At isa ang bunso ko sa pinalad na magkaroon ng award. All the glory to God!
Dahil hindi na talaga magkasya ang uniform ng ate nung grade one Kay bunso naghanap ako ng mahiraman na uniform kailangan kasi naka school uniform daw. Mabuti nalang nakahiram ako sa kapitbahay Kaya hindi na bumili, medyo masikip pero pwede na hindi na masarado ang dalawang butones sa pinakababa ng uniform kaya hindi ko na sinama sa pagkuha ng litrato. Half body lang naman ang kailangan :)
At dahil walang white background dito sa bahay bumili nalang akong white cartolina :) Maganda rin naman kinalabasan ng picture. Pero dapat pala nilagyan ko ng kaunting lipstick para hindi siya maputla hindi ko naisip kanina hehe.
Kumusta ang weather diyan sa inyo Noise fam?dito umpisa pa kaninang umaga maulan na. Stay safe po ang lahat.
Floating Tray with Stainless Steel Frame
Nagagandahan talaga ako dito sa floating tray :) Ito ay isa sa mga nagawa na product sa furniture shop ng aking mga in-laws. Ito ay synthetic rattan kaya okay lang mababad sa tubig :) Nilagyan nila ng malaking foam sa ilalim para siya lumutang ang ganda lang tingnan.
Siguro kung ganito bahay namin may swimming pool araw-araw magsiswimming mga chikiting ko hahaha hindi magsasawa :) Mabuti pa itong dogie nagsasawa siguro sa pagligo haha.
Deniliver nila sa bahay ng customer yan at ayan may floating tray na ang kanilang swimming pool. Baka may swimming pool din kayo sa bahay nyo umorder na rin kayo haha.
Blessed evening Noise fam!
Tinolang Chicken
Naghatid ang kapatid ko ng malunggay pinutol niya kasi ang tanim nilang malunggay kaya dinala niya dito sa bahay kaysa itapon ang mahal din kaya ng isang tali nito sampung peso rin tapos kaunti lang.
Kaya hinimay ko kanina ang gaganda pa ng malunggay malalaki ang dahon ang tataba kaya hindi mahirap tanggalin sa tangkay. Nakaisang plastic bag rin ang nahimay ko.
Kaya bumili ako ng backbone chicken sa meatshop mas mura din kasi ang kilo ng part na yun sa manok at masarap gawing tinola malaman na rin naman. Gusto ng mga anak ko tinolang isda sana pero nandito daddy nila work from home today ayaw kasi nun ng isdang tinola kaya tinolang manok nalang.
Kaya dinamihan ko na paglagay ng gulay yung ibang malunggay nilagay ko sa ref hindi naman masisira kaagad magandang panghalo rin sa noodles agahan ng mga anak ko bukas o kaya sa scramble egg nilalagyan ko rin minsan ng malunggay para mas masustansya :)
Happy lunch Noise fam!
Videocall with my Sister
Tumawag ang kapatid kong nasa ibang bansa nagtatrabaho bilang ofw. Nagkakayak daw sila kasama ang pinsan namin at bf niya sabay namingwit na rin sila kanya-kanya silang pwesto.
Nakakatuwa tingnan namingwit ang kapatid ko ang bilis niya kasing nakahuli ng isda sunod-sunod, mga snapper huli niya na isda. Baligtad ang oras nila dito sa pinas parehas ng oras dito sa atin pero umaga lang doon ng Linggo dito sa atin gabi.
Nag-eenjoy talaga akong manood sa kanya ang daming huli pati mga anak ko tuwang-tuwa sa tita nila daming nahuhuli na isda. May pang-ulam na sila pagkatapos mag enjoy sa pagkayak.
Walang pasok sa trabaho sister ko kapag weekend kaya madalas nasa dagat ang outing nila. Hindi rin siya mabored doon kasi nandun dalawa kong kapatid at mga pinsan. Galing din ako sa lugar nato nagtrabaho tumigil lang nung nagkaanak na mas priority na mga prinsesa ko.
Itong kapatid ko nato nag enjoy na masyado sa trabaho niya dito hindi daw niya ipagpalit sa pag-aasawa ang career niya :) Hindi naman kasi pressured ang trabaho dito kumbaga hayahay lang hehe kung hindi lang ako nag-asawa at nagkaanak baka nandun parin ako sa lugar nato :)
Itong kapatid ko nato nalang ang walang asawa sa aming magkakapatid kaya gusto namin mag-asawa na sana siya sobrang lagpas na sa kalendaryo kasi ang edad niya para sana makahabol kahit isang baby lang :)
Kumusta kayo Noise fam? Happy and Blessed weekend sa ating lahat.

Throwback ^_^
Nakakaproud bilang mga magulang makatanggap ng awards mga anak natin mas excited pa tayo kaysa kanila kapag ganito awarding day :)
Ito ay nakaraang taon na awards ni bunso hoping ngayong school year may award din siyang matanggap.
Ang sabi ng adviser niya weeks ago nung pinapunta sa school kaming mga magulang para magpirma ng card may awarding daw. Natuwa naman ako nung tinanong ko kung kumusta si bunso sa klase nila sabi ng teacher niya nangunguna daw siya, nakakaproud lang bilang magulang marinig ang compliment ng guro kahit medyo bata pa si bunso ay kaya niya makipagsabayan sa mga mas nakakatanda sa kanya.
Natutuwa rin teacher niya Kasi active siya sa klase kahit online class lang.
Sabay kasi ang oras ng online nila ng ate niya kaya minsan hindi ako nakapag assist sa kanya nakapokus ako sa ate niya kasi medyo mahiyain :)
Hindi kagaya dito kay bunso malakas ang loob hindi nahihiya hehe.
Kumusta buong maghapon nyo Noise fam? Sobrang busy ngayong araw sa mga gawaing bahay. At salamat sa Panginoon mabuti na pakiramdam ni bunso kahapon kasi agahan hanggang hapunan sinusuka lang kinakain niya. Ngayong araw, magana na siya kumain. Thank you Lord sa healing.
#LastYearAwards
#ProudMom

Pancake for Snack
Nagrequest ang bunso ko na gusto niya ng pancake. Tamang-tama may binili ang daddy nila nung naggrocery at syrup na din para masarap daw ayaw kasi ng honey ang gawing syrup taste weird daw sabi ni bunso ang arte lang hehe. Nagtry kasi ako dati magluto ng pancake tapos nilagyan ko ng honey ayaw ni bunso sa lasa yung ate sabi masarap naman daw :)
Naging abala ako dito sa bunso ko hindi Kasi maganda ang pakiramdam, kanina paggising nagsusuka masakit daw tummy niya hanggang ngayon masama parin pakiramdam yung breakfast at lunch niya nilabas lang din kaya pinapakain ko ng biscuit at itong pancake. Hoping gumaling na siya walang gana rin siya kumain. Sinabihan ko nga dapat kumain siya ng kumain para hindi ko siya dalhin sa hospital takot kasi ito injection yun kaagad naiisip niya kapag dalhin sa ospital.
Kumusta kayo Noise fam?Mag-iingat po ang lahat. Stay safe and healthy.
Nilagang Baka
Kahapon nakabisita ang mga biyenan ko galing Tagaytay dahil birthday ng panganay ko at nagpabili ako ng karneng baka balak ko kasing magcalderetang buto-buto. Ang akala ko kasi dito sila maglunch yun sana ulamin namin Kaya lang hindi sila nagtatagal kailangan na nilang bumalik kaagad dahil may delivery daw sila kaya kailangan makabalik agad sa furniture shop nila sa Tagaytay, Silang.
Nagpaluto lang biyenan kong babae ng pansit at lumpia kaya yun ang unang niluto ko para pagdating nila luto na ang ni-request na pagkain :)
Kaya hindi na natuloy ang caldereta na planong lutuin kahapon nauwi nalang sa nilaga ngayong lunch ulam namin hanggang dinner na rin 'to. Kaya mga gulay nalang na sangkap ang binili ko. Ang sarap talaga ng sabaw kapag karneng baka wag lang lumamig kasi puro sebo na hehe. Kaya masarap ito kainin kapag mainit pa sarap humigop ng sabaw.
Happy lunch sa ating lahat. Have a great and blessed day Noise fam!
Simpleng Selebrasyon
Ngayong araw ay kaarawan ng aking unang prinsesa :) Kaya medyo naging abala naghanda lang ng kaunti. Inimbetahan ko lang ibang kasamahan sa church na mga bata at mama nila para mas mag enjoy ang birthday celebrant may mga batang kasama.
Naglagay lang din ako ng simpleng dekorasyon para mas maganda sa mga litrato :) Naging masaya naman ang kaarawan ng aking prinsesa.
Salamat sa Diyos sa mga pagpapala sa araw na'to at sa araw-araw.
Happy and Blessed evening Noise fam!
#MyPrincess9thBirthday
#SimpleCelebration
#GloryToGod
During Swimming!
Ito yung nagswimming kami nakaraang Biyernes wala sa plano na sumama dahil medyo short sa budget pero napilit kaya napasama gusto rin kasi ng mga dalaga ko sumama :)
Ang ganda rin dito sa pinuntahan namin daming pools ng pambata kaya doon lang din ako naliligo dahil hindi mo naman pwede iwanan kailangan nakabantay Ka sa kanila. Ang sarap sanang magdive sa malalim na tubig haha.
Bago kami umuwi picture taking muna sila wala na sa mood kuhaan ng litrato mga pagod na kasi. Sinusulit kasi talaga ang pagswimming umpisa alas otso ng umaga naligo na kain lang ang pahinga tapos alas kwatro ng hapon na tumigil :)
Kaya ang resulta ngayon ng swimming nangitim ng husto at nagka-sunburn sila :) Sabi ko baka magalit si Lola nila makita ang hitsura nila medyo maselan kasi ang Lola, uuwi kasi ang Lola at Lolo bukas dahil birthday ng panganay ko :) Nasobrahan sa pagligo kaya nagka-sunburn.
Kumusta kayo Noise fam? Blessed Tuesday sa lahat and stay safe.