read.cash Log in
@ruby0622

Happy Lunch Namimiss ko ang lumpia kaya ito naisipan lutuin na ulam ngayong lunch hanggang dinner na yan :) Bumili lang akong giniling halagang isang daan at tatlong karots mas masarap kasi kapag maraming karots. Ang ganda rin ng lumpia wrapper mahahalata mong bago ang bango niya :) Kinulang ng wrapper kaya pinrito ko nalang ang sobra nilagyan ko lang ng crispy fry. Bumili rin akong isang balot ng pangpakbet na gulay halagang bente pesos para may gulay naman. Walang sahog na karne puro gulay lang nilagyan ko lang ng pork cubes at fish sauce para malasa. Ang sarap na rin busog lusog na ang pananghalian namin mag-iina. Kumusta kayong lahat? Napakainit na naman ng weather ngayon. Kaya inom tayo palagi ng maraming tubig. Blessed day Noise fam!

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.