Tinolang Pampano for Dinner Nakapaghapunan naba ang lahat? Kami katatapos lang, nagluto akong tinolang isda wala akong mahanap dito sa palengke namin na salmon belly. Kahapon pa nagrequest panganay ko ng sinigang sa miso na salmon belly. Kaya itong pampano nalang binili ko masarap din ang isda na'to kasi malaman at mataba siya nagmamantika ang sabaw niya :) Medyo mahal lang talaga ang isda na'to isang piraso lang mag200pesos na kaagad. Paborito rin ito ng mga bata bukod lang sa daddy nilang maarte :) Nakakapagod rin ang araw na'to ang dami kong nilabhan isang linggong labahin kaya tambak. Sinamantala ko na habang walang pasok ngayon kahit hindi maganda ang panahon paulan-ulan at paambon-ambon kailangan na talagang maglaba. Bukas first day ng panganay ko sa kanilang face to face hoping huwag umulan. Praise God wala na siyang lagnat o sinat kaya nakaligo na kanina ng warm water para mailabas din ang init ng katawan. Excited na rin siyang pumasok sa paaralan pagkatapos ng dalawang taon na online class makapasok na uli sa paaralan :) Kumusta ang weather diyan sa inyo? Stay safe kayo ang hirap magkasakit.
1 comment
sarap nman nyan.