Chicken Salad Maalala ko dati ganito madalas ang hapunan ni mister dahil nagpupursige siya sa pagdadiet. Na-excite sa 15k challenge na sinabi ng mama niya, na bibigyan siyang 15k kapag pumayat siya. Nitong mga nakaraang linggo tinamad na magdiet haha balik sa dating gawi na :) Hanggang December ang challenge nila kaya pinapaalala ko sa kanya baka nakalimutan na ang challenge nila ng mama niya hehe. Parang ayaw sa reward hindi pursigido, pero sabi naman niya mag umpisa daw siya sa sunod na buwan ilang araw nalang daw kaya pagbigyan na siya :) Kaya sabi ko dapat siya manalo sa challenge sayang ang reward haha at kung matalo naman kami daw magbayad sa biyenan ko ng same amount, yun usapan nila ng mama niya. Titingnan ko nalang kung tutupad ito next month daw magpursige na daw siya. Sabi ko nga pinagbigyan na siya bumili ng air fryer at timbangan para mamonitor daw timbang niya bihira lang naman magamit niya. Hoping talaga sisipagin at magpursige na, hindi nagsasawa sa sermon ko itong tao nato haha. Kumusta kayo Noise fam? Tapos na long weekend pasok na uli bukas mga estudyante natin. Mapagpalang gabi sa ating lahat!
1 comment
sherep. diet ba hahaha