read.cash Log in
@ruby0622

Tinolang Manok may Tanglad Isang mapagpalang araw ng Lunes Noise fam! Ito ang unang araw ng pasukan ang ating mga estudyante. Kaya umpisa na naman ng pagiging abala lalo na kung face to face hatid-sundo sa ating mga anak. Dito sa amin sa Biyernes umpisa ng face to face by batch nasa bente rin isang batch. Itong panganay ko Kung kailan pasukan na nilagnat naman nag umpisa kagabi kaya medyo puyat din ako pinupunasan ko palagi humupa lang ng umaga paggising medyo sinat nalang hanggang ngayon kaya nakaattend siya ng klase kanina kasi online class lang naman. Naging maayos na pakiramdam ni bunso ang ate naman ang pumalit na nagkasakit. Kaya nagluto akong tinolang manok para makahigop ng sabaw. Nilagyan ko ng tanglad ang tinola Kasi sobrang lago na ng tanim kong tanglad nagagamit lang kapag nagtinolang isda ako :) Pampabango na rin sa tinola itong tanglad. Mabuti nalang parehas ng schedule ang dalawang anak ko sa klase alas diyes ng umaga hanggang alas dos ng hapon para kapag face to face na isang hatiran at sunduan lang hindi masyadong magastos sa pamasahe. Mabuti nalang din hindi masyadong maaga pasok nila matagal kasi silang nagigising. Kaya lang mainit na talaga kapag ganun oras. Happy lunch! Stay safe ang lahat.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.