My Niece Birthday Celebration Sobrang saya ng birthday ng pamangkin ko. Ang daming kaklase na inimbita hindi magkasya sa bahay nila kaya sa bahay namin nagceleberate :) Ito ay bahay namin sa probinsya. Halos magkalapit lang bahay ng kuya ko sa bahay namin sa probinsya magkaparehas lang ng barangay kaya dito na sa bahay sila nagdaos ng kaarawan ni pamangkin kasi mas maluwag. Sa unang larawan ang dalawang dalaga ko na pamangkin, yung mas matangkad siya ang birthday celebrant ang bunso ng kuya ko katabi si ate niya. Limang taon na pala ang nakalipas labing-apat na taong gulang pa si pamangkin diyan sa kasiyahan na yan kasama mga kaklase ni pamangkin at hindi mawawala mga kapitbahay namin :) Sa probinsya kasi namin kahit hindi imbitado basta alam may kainan pupunta sila hehe. Ang nakakadismaya lang kasi nawawala rin mga gamit sa kusina pati kaldero na may ulam iniuwi din nila dahil labas-pasok ang bisita hindi na namalayan. Saka nalang malaman kapag nagsiuwian na mga bisita. Sa huling larawan naman ang ginawa kong fan art sa kanya ngayon ay labing-siyam na taon na siya dalaga na talaga :) Nagustuhan naman niya ang effort ko sa pag edit ng larawan niya haha ang ganda daw niya. #ThrowbackThursday #MyNieceBirthdayCelebration
9 comments
Happy birthday to your niece!!! Gusto ko ung may pahiran ng cake. Parang ng saya. hahhahahhaha.
Kaya nga kanoise katuwaan nila nagpapahiran ng cake sa mukha hehe.
Masaya nga yan maam.. Memorable ang birthday kapag may mga ganyang kalokohan. hehehe
aba ang laki nang bahay niyo sissy parang mantion na yan ah tamang tama talaga sa mga bisita nang pamangkin mo mga pamangkin mo sis parang kamukha lang din nang mga dalaginding mo hehe
Katas yan nung pagtatrabaho ko abroad sissy Kaya napagawa ang bahay namin nasobrahan lang sa laki katwiran kasi ng kapatid ko na siyang naging architect para kasya daw kaming lahat na magkakapatid kung magsama-sama sa bakasyon. Hindi inisip ang gagastusin :) Tapos ngayon si mama lang at kapatid kong babae na may baby nakatira ang laki rin ng lilinisin :) Oo nga sissy parang mga anak ko lang din silang dalawa isang taon mahigit ang gap :)
happy birthday to her ehhee. sayang ung cake. hinilamos lang hehehe
Katuwaan sila sis nagpapahiran ng cake :)
ang saya saya naman nila hehe kakatuwa tingnan hahaha ganyan talaga sa probinsya sugod ng sugod kapag alam nilang may kainan ang masama lang ay kung pati gamit iuuwi nila abay hindi na tama yun sana namam isauli nila yun sis kasi hindi naman nila gamit yun magandamg umaga
Oo nga sis sa probinsya talaga ganyan kahit hindi imbitado pupunta kapag may kainan. Hindi na Kasi malalaman sis Kung sino ang kumuha dahil sa dami ng bisita Kaya nakakadala ang magpakain.